Bulkang Kanlaon, nakapagtala ng 90 volcanic earthquakes – PHIVOLCS

Umabot na sa 90 volcanic earthquake ang naitala sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island sa loob ng 24 oras. Ayon sa ulat na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kaninang alas-1:15 ng hapon, nangyari ang mga pagyanig sa pagitan ng 3PM nitong Hulyo 2 at alas-12 ng tanghali ngayong araw, Hulyo 3.… Continue reading Bulkang Kanlaon, nakapagtala ng 90 volcanic earthquakes – PHIVOLCS

Pagiging abot-kaya ng mga gamot, isa sa mga tinutukan ng Marcos Administration sa nagdaang taon

Nakatutok ang Marcos Administration sa pagpapadali ng access ng mga Pilipino sa mga murang gamot. Bukod pa ito sa ginagawa na ng pamahalaan sa paglalapit ng serbisyong medikal, lalo na sa mga liblib na lugar. Sa Pre-SONA briefing, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang Food and Drug Administration (FDA) unang pinadali ang pag-apruba… Continue reading Pagiging abot-kaya ng mga gamot, isa sa mga tinutukan ng Marcos Administration sa nagdaang taon

Pagkakakilanlan ng isa pang ‘Alice Guo,’ karapat-dapat lang imbestigahan ng NBI ayon sa mga senador

Giniit ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat lang imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang totoong pagkakakilanlan ng sinasabing ikatlong ‘Alice Guo’ na natuklasan ng ahensya. Una nang sinabi ng NBI na may natuklasang isa pang “Alice Guo” na kumuha ng NBI clearance noong 2005. Pero sa kabila ng ginagawang imbestigasyon na ito ng… Continue reading Pagkakakilanlan ng isa pang ‘Alice Guo,’ karapat-dapat lang imbestigahan ng NBI ayon sa mga senador

Kampanya laban sa sakit na cancer, isinusulong ng ilang ahensya ng pamahalaan

Isinusulong ng mga ahensya ng gobyerno ang early detection and prevention laban sa sakit na cancer. Ito’y para mapalawak ang kaalaman ng publiko at maagapan ang nasabing sakit na isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng tao. Gayundin , matulungan ang mamamayan partikular ang mga manggagawa para mabigyan ng libreng konsultasyon at laboratory test.… Continue reading Kampanya laban sa sakit na cancer, isinusulong ng ilang ahensya ng pamahalaan

DA, nakatuon na sa modernong pamamaraan sa pagtatanim

Tinututukan na ng Department of Agriculture (DA), ang technology-based farming method tungo sa modernisasyon sa sektor ng agrikultura. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., isa sa pangunahing pokus ng DA ay ang modernong pamamaraan sa pagtatanim. Ayon sa kalihim may ilang lalawigan na sa bansa ang gumagamit ng small water impounding systems; fertigation… Continue reading DA, nakatuon na sa modernong pamamaraan sa pagtatanim

Pasig City Children’s Hospital, isasailalaim sa renovation at conversion para gawing isang general hospital

Nagsagawa ngayong araw ng groundbreaking ceremony para sa renovation at conversion ng Pasig City Children’s Hospital upang maging isang general hospital. Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang seremonya. Sa kaniyang mensahe, sinabi ng alkalde na nakita nila ang pangangailangan na mapalawak ang serbisyo ng ospital upang mas maraming residente ng lungsod ang mabigyan… Continue reading Pasig City Children’s Hospital, isasailalaim sa renovation at conversion para gawing isang general hospital

Komprehensibong pagtalakay sa 2025 national budget, siniguro ng House Appropriations Chair

Handa na ang Kamara na tanggapin ang National Expenditure Program. Ito ang sinabi ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co matapos aprubahan ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang P6.352 trillion 2025 National Budget. Ani Co, magsasagawa ang Appropriations Committee ng komprehensibong pagdinig sa Kongreso, kasama ang iba’t ibang stakeholders, mga ahensya ng gobyerno, at… Continue reading Komprehensibong pagtalakay sa 2025 national budget, siniguro ng House Appropriations Chair

DMW at Pamahalaang Lungsod ng Lanao del Norte, lumagda sa kasunduan kontra illegal recruitment at human trafficking

Lumagda sa kasunduan ang Department of Migrant Workers (DMW) at Provincial Government ng Lanao del Norte upang palakasin ang kampanya laban sa illegal recruitment, human trafficking, at pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga overseas Filipino worker (OFW). Pinangunahan nina Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, Governor Imelda Quibranza-Dimaporo, at mga kinatawan mula sa… Continue reading DMW at Pamahalaang Lungsod ng Lanao del Norte, lumagda sa kasunduan kontra illegal recruitment at human trafficking

90 volcanic earthquakes naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Kanlaon

Umabot sa 90 volcanic earthquakes ang naitala ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) sa Bulkang Kanlaon. Sa inilabas na advisory ng PHIVOLCS, nagsimula ang pagyanig ng alas-3:00 ng hapon kahapon, Hulyo 2 hanggang alas-12:00 ng tanghali ngayong araw, Hulyo 3. Karamihan sa pagyanig ang nasa 20 kilometro… Continue reading 90 volcanic earthquakes naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Kanlaon

Sen. Angara, planong kausapin ang mga kapwa senador bago maupo bilang kalihim ng DepEd

Balak ni Senador at incoming Education Secretary Sonny Angara na makausap ang mga kasamahan niya sa senado bago siya opisyal na maupo sa Department of Education (DepEd). Ayon kay Angara, maliban sa nais niyang pasalamatan ang mga kasamahan niyang sumuporta sa kanya ay nais niya ring ipahayag sa mga ito ang kanyang kahandaan na makipagtulungan… Continue reading Sen. Angara, planong kausapin ang mga kapwa senador bago maupo bilang kalihim ng DepEd