NTF-WPS, nagbabala sa publiko at international community laban sa pekeng balita ng mga nagpapanggap na Chinese expert

Kasunod ng mga paratang na nakasisira umano sa karagatan ang aktibidad ng Pilipinas sa West Philippine Sea, nagpaalala ang National Task Force – West Philippine Sea (NTF-WPS) sa publiko at international community na mag-ingat sa mga nagpapanggap na Chinese expert na may layuning siraan ang reputasyon ng Pilipinas. Ayon kay National Security Council Assistant Director… Continue reading NTF-WPS, nagbabala sa publiko at international community laban sa pekeng balita ng mga nagpapanggap na Chinese expert

Isa sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre, nangailangan ng medical evacuation – PH Navy

Kinumpirma ng Philippine Navy na isang sundalo sa BRP Sierra Madre ang nangailangan ng medical evacuation. Sa pulong balitaan ngayong araw sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na noong July 7 na isa sa mga sundalong nakabase sa Ayungin Shoal ang kinailangang agad… Continue reading Isa sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre, nangailangan ng medical evacuation – PH Navy

‘No balance billing, no out-of-pocket’ policy ng mga ospital, pinatitiyak na naipapatupad ng tama

Pinaghihigpit ng mga kongresista ang pagpapatupad ng ‘no balance billing, no out-of-pocket’ policy sa mga government hospitals. Sa oversight hearing ng House Committee on Appropriations, nagtanong si Northern Samar Rep. Paul Daza kay Health Secretary Ted Herbosa kung nakakasunod ba ang mga ospital na pinatatakbo ng national government at mga lokal na pamahalaan sa no… Continue reading ‘No balance billing, no out-of-pocket’ policy ng mga ospital, pinatitiyak na naipapatupad ng tama

Senate Ethics Committee chair, paghaharapin muna sina Sen. Binay at Sen. Cayetano bago dinggin ang ethics complaint

Natanggap na ni Senate Majority leader at Ethics Committee chairman Senador Francis Tolentino ang reklamong inihain ni Senadora Nancy Binay laban kay Senador Alan Peter Cayetano. Gayunpaman, aminado si Tolentino na hindi pa niya nababasa ang naturang ethics complaint. Pinaliwanag rin ni Tolentino na sa ngayon ay kinakailangan pa nilang ayusin ang ethics committee dahil… Continue reading Senate Ethics Committee chair, paghaharapin muna sina Sen. Binay at Sen. Cayetano bago dinggin ang ethics complaint

Phil. Navy, nanindigang mananatili ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Mananatili ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ito ang pinanindigan ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, sa gitna ng alegasyon ng China na nakakasira sa “marine environment” ang presensya ng BRP Sierra Madre sa lugar. Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, binigyang diin ni Trinidad na… Continue reading Phil. Navy, nanindigang mananatili ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Pilipinas, kailangang palakasin ang mga pamumuhunan at pag-export para sa matatag na ekonomiya, ayon sa NEDA

Binigyang-diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pangangailangang palakasin at pag-ibayuhin ang mga pamumuhunan at pag-export ng Pilipinas upang masiguro ang matatag at pangmatagalang paglago ng ekonomiya. Sa Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP) Mid-year Economic Forum sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na habang patuloy na pinapalakas ang pagkonsumo at pinapabuti… Continue reading Pilipinas, kailangang palakasin ang mga pamumuhunan at pag-export para sa matatag na ekonomiya, ayon sa NEDA

Pagsibak sa 19 na station commanders sa Davao City, dahil sa mataas na insidente ng krimen

Ipinaliwanag ni Police Regional Office (PRO) 11 Regional Director PBrig. General Nicolas Torre na ang kanyang pag-alis sa pwesto ng 19 na station Commanders sa Davao City Police Office (DCPO) ay dahil sa pagtaas ng krimen sa lungsod. Ito’y matapos madiskubre ng opisyal sa isinagawang command conference noong nakaraang linggo ang mataas na bilang ng… Continue reading Pagsibak sa 19 na station commanders sa Davao City, dahil sa mataas na insidente ng krimen

DSWD at Pasay LGU, ginawang transient shelter ang dating POGO hub para sa mga benepisyaryo ng Pag-Abot Program

Ginawa nang bagong processing center ng Pag-Abot Program ng Department of Social Welfare and Development ang dating Philippine Overseas Gaming Operations (POGO) firm sa Pasay City. Nagsagawa kanina ng site visit sina DSWD Secretary Rex Gatchalian at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa processing center na may anim na palapag, sa kahabaan ng Williams Street.… Continue reading DSWD at Pasay LGU, ginawang transient shelter ang dating POGO hub para sa mga benepisyaryo ng Pag-Abot Program

Medical clinic sa Makati City na iligal ang operasyon, sinalakay ng NBI

Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Medical Clinic sa San Isidro, Makati City dahil sa iligal na operasyon. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nilabag ng Mastercare MDC Inc. ang Republic Act 3720 o mas kilala bilang Food, Drug and Cosmetic Act. Inireklamo ito dahil sa pagbebenta ng hindi rehistradong medisina ng… Continue reading Medical clinic sa Makati City na iligal ang operasyon, sinalakay ng NBI

Finance Sec. Recto, handang irekomenda kay PBBM na ipasara ang lahat ng operasyon ng POGO sa bansa

Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na handa siyang irekomenda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipasara ang lahat ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa. Ito ang inihayag ni Recto sa harap ng mga economic journalist sa sideline ng economic briefing na ginanap sa Maynila. Ang sinabi ng finance chief… Continue reading Finance Sec. Recto, handang irekomenda kay PBBM na ipasara ang lahat ng operasyon ng POGO sa bansa