Tulong na pinadala sa mga pamilyang binaha at nasalanta ng landslide sa Visayas at Mindanao, aabot na sa P27-M

Umabot na sa mahigit P27-M halaga ng relief assistance ang pinadala ng Department of Social Welfare and Development sa Visayas at Mindanao Region. Ang kaloob na tulong ay para sa mga pamilyang naapektuhan ng flash flood at landslide incidents dulot ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) at Southwest Monsoon o Habagat. Ayon kay DSWD Assistant… Continue reading Tulong na pinadala sa mga pamilyang binaha at nasalanta ng landslide sa Visayas at Mindanao, aabot na sa P27-M

Mga aplikasyon sa Amnestiya ng Pangulo, nasa 578 na

Iniulat ng National Amnesty Commission na 578 aplikasyon para sa Amnestiya ng Pangulo ang kanilang natanggap sa pamamagitan ng mga Local Amnesty Board hanggang noong Hulyo 12. 497 sa mga ito ay mula sa mga dating miymebro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPPNPA- NDF). 2 aplikante naman ang mula sa… Continue reading Mga aplikasyon sa Amnestiya ng Pangulo, nasa 578 na

Reporma sa kasalukuyang drug laws, susi para sa mas epektibong laban kontra iligal na droga

Tinrabaho ng Kamara ang pag-repaso sa mga kasalukuyang batas sa iligal na droga upang mapaigting pa ang laban ng pamahalan dito. Ito ang tinuran ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers sa katatapos lang na drug policy and reform summit. Aniya, tinutukan ng Kamara ang review sa RA 9165 upang maipatupad ng… Continue reading Reporma sa kasalukuyang drug laws, susi para sa mas epektibong laban kontra iligal na droga

Phil. at Vietnamese Navy, nagsagawa ng aktibidad sa Southwest Cay sa WPS

Matagumpay na naisagawa ang ika-7 “Personnel interaction” ng Philippine Navy at Vietnam People’s Navy (VPN) sa Southwest Cay, na kilala din bilang “Pugad island” sa West PhilippineSea noong nakaraang linggo. Ayon kay Naval Forces West Commander Commodore Alan Javier, ang aktibidad ay maituturing na “milestone” sa pagsulong ng kooperasyon at magandang relasyon ng hukbong pandagat… Continue reading Phil. at Vietnamese Navy, nagsagawa ng aktibidad sa Southwest Cay sa WPS

Bagong istasyon ng EDSA busway sa QC, binuksan ng DOTR

Binuksan na ng Department of Transportation sa publiko ang pinakabagong istasyon ng EDSA Busway na PHILAM QC. Pinangunahan mismo ni Transportation Secretary Jaime Bautista, kasama sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Atty. Romando Artes at DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Jesus Ferdinand Ortega ang pormal na pagbubukas ng karagdagang EDSA busway stations… Continue reading Bagong istasyon ng EDSA busway sa QC, binuksan ng DOTR

House panel Chair, suportado ang pagbibigay ng short courses sa K-12 graduates

Sinang-ayunan ni House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles ang mungkahi ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbigay ng short courses sa mga K to 12 graduates upang mapalakas ang kanilang employability. Ayon kay Nograles anomang hakbang para matulungan ang ating mga graduate na makakuha agad ng trabaho ay kaniyang susuportahan. Ang… Continue reading House panel Chair, suportado ang pagbibigay ng short courses sa K-12 graduates

Panukala sa mas mahabang termino ng brgy. officials, iprinesenta ni Sen. Imee Marcos

Nakipagpulong ngayong araw si Sen. Imee Marcos sa mga brgy officials sa Quezon City para talakayin ang itinutulak nitong panukala na naglalayong pahabain ang termino ng mga opisyal ng barangay sa anim na taon mula sa kasalukuyang tatlong taon. Ito ay sa ilalim ng Senate Bill 2629 na nagaamyenda sa batas upang lahat ng mga… Continue reading Panukala sa mas mahabang termino ng brgy. officials, iprinesenta ni Sen. Imee Marcos

Pre-feasibility study para sa pagkakaroon ng cable car sa Antipolo City, aprubado na

Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo na aprubado na ang pre-feasibility study para sa paglalagay ng Cable Car Project sa lungsod. Ito’y matapos ang serye ng mga pagpupulong sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at foreign consultant kaugnay sa proyekto. Ayon sa Antipolo LGU, sa 2025 gagawin ang detailed feasibility study sa proyekto… Continue reading Pre-feasibility study para sa pagkakaroon ng cable car sa Antipolo City, aprubado na

Sapang Liwanag Bridge sa Pasig City, 6 na buwang isasara sa mga motorista simula ngayong araw

Abiso sa mga motorista. Pansamantalang isasara sa mga motorista sa mga piling oras ang Sapang Liwanag Bridge sa Brgy. San Miguel sa Lungsod ng Pasig simula ngayong araw. Dahil dito, hindi muna madaraanan ng mga motorista ang naturang tulay na magsisimula sa Dr. Pilapil mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Ayon sa Pasig… Continue reading Sapang Liwanag Bridge sa Pasig City, 6 na buwang isasara sa mga motorista simula ngayong araw

Kadiwa ng Pangulo sa San Juan City Hall, tinangkilik pa rin kahit walang murang bigas

Tinangkilik pa rin ng mga San Juaneño ang Kadiwa ng Pangulo sa Atrium ng San Juan City Hall sa kabila ng kawalan ng murang bigas na ibinebenta rito. Gayunman, may special rice pa ring nabibili rito gaya ng Brown Rice na nasa ₱65 ang kada kilo at ang Red Rice na nasa ₱75 ang kada… Continue reading Kadiwa ng Pangulo sa San Juan City Hall, tinangkilik pa rin kahit walang murang bigas