Mga pagbabago sa Laguna Lakeshore Road Project at mga kondisyon para sa Bohol at Laguindingan Airports, inaprubahan ng NEDA Board

Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang mga mahahalagang pagbabago sa Laguna Lakeshore Road Network (LLRN) Project. Kabilang sa mga napagkasunduan sa pulong ay ang pagpapaunlad ng mga connecting roads at interchanges sa Barangay Tunasan sa Muntinlupa City, at San Pedro, Biñan, at Cabuyao sa Laguna. Inaasahang matatapos ang proyekto sa 2027.… Continue reading Mga pagbabago sa Laguna Lakeshore Road Project at mga kondisyon para sa Bohol at Laguindingan Airports, inaprubahan ng NEDA Board

First Lady Liza Araneta – Marcos, bahagi na ng PCG Auxiliary

Bahagi na ng Philippine Coast Guard Auxiliary si First Lady Liza Araneta-Marcos. Ito ang kinumpurma ni PCG Spokesperson Armand Ballilo, kasabay ng pagbabahagi ng larawan ng oath taking ng Unang Ginang, kung saan present ang bunsong anak ng first family na si Vincent Marcos. Ayon sa opisyal, ginawaran ng honorary rank na Vice Admiral si… Continue reading First Lady Liza Araneta – Marcos, bahagi na ng PCG Auxiliary

Navotas solon, pinuri ang murang bigas ng pamahalaan para sa mga Pilipino

Pinapurihan ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na palawigin ang access sa mas murang bigas para sa mga Pilipino. Ito ay kasunod ng anunsyo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na daragdagan nila ang Kadiwa outlets na magbebenta ng P29 kada kilo ng bigas sa 23 tindahan mula sa labintatlo.… Continue reading Navotas solon, pinuri ang murang bigas ng pamahalaan para sa mga Pilipino

Halos 200 LAWA at BINHI beneficiaries sa Masbate, tumanggap ng cash-for-work mula sa DSWD

May kabuuang 197 partner-beneficiaries ng Projects LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ang tumanggap na ng kanilang cash-for-training and -work mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Region. Ang mga partner-beneficiaries ay mula sa 10 barangay sa Batuan sa lalawigan ng Masbate.… Continue reading Halos 200 LAWA at BINHI beneficiaries sa Masbate, tumanggap ng cash-for-work mula sa DSWD

Natukalsang bentahan ng pekeng birth certificate sa Davao del Sur, banta sa seguridad ng bansa – Sen. Hontiveros

Para kay Sen. Risa Hontiveros, klarong banta sa kaayusan at seguridad ng Pilipinas ang pagkakatuklas ng libu-libong fake birth certificates sa Davao del Sur. Reaksyon ito ni Hontiveros sa pagkakatuklas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mahigit isanlibong (1,200) na dayuhang nabigyan ng fake birth certificate sa Davao del Sur, kung saan natuklasan na… Continue reading Natukalsang bentahan ng pekeng birth certificate sa Davao del Sur, banta sa seguridad ng bansa – Sen. Hontiveros

Ikatlong SONA ni PBBM, may dalang bagong pag-asa sa mga Pilipino

Hinimok ni KABAYAN party-list Rep. Ron Salo ang mga Pilipino na patuloy na ibigay ang suporta kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna na rin ng kaniyang nalalapit na State of the Nation Address sa July 22. Ayon kay Salo, dala ng ikatlong SONA ng Pangulo ang bagong pag-asa para sa mga Pilipino at… Continue reading Ikatlong SONA ni PBBM, may dalang bagong pag-asa sa mga Pilipino

PH Red Cross, nagsagawa ng rescue operations at nagbigay ng tulong sa mga biktima ng masamang panahon sa Mindanao

Nagsagawa ng rescue operations at nagbigay ng iba’t ibang tulong ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga indibidwal at pamilyang naapektuhan ng masamang panahon sa Mindanao dulot ng habagat. Ipinadala ng PRC ang kanilang volunteer emergency response vehicle o VERB team upang tumulong sa pagsagip ng tatlong mga bata mula sa pagbaha at landslide. Nagbigay… Continue reading PH Red Cross, nagsagawa ng rescue operations at nagbigay ng tulong sa mga biktima ng masamang panahon sa Mindanao

“Carabaroo” exercise ng Phil. at Australian Army, nagsimula na

Pormal nang binuksan kahapon ang isang-buwang “Exercise Carabaroo” ng Philippine Army at Australian Army sa Darwin, Northern Territory, Australia kahapon. Ang 125-miyembrong delegasyon ng Philippine Army ay pinamumunuan ni Governance and Strategy Management Office (GSMO), 5th Infantry Division (GSMO, 5ID) Chief Col. Jesus C. Pagala. Kabilang sa delegasyon ang mga piling tauhan mula sa 5th… Continue reading “Carabaroo” exercise ng Phil. at Australian Army, nagsimula na

3 indibidwal na sangkot sa ‘organ trafficking’, arestado ng NBI

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) sa San Jose del Monte, Bulacan, ang 3 sa 4 na suspek dahil sa organ trafficking o pangangalakal ng kidney. Ayon kay NBI Dir. Jaime Santiago, mayroong nakuhang donor ang mga suspek ngunit hindi ito binayaran. Dito na nagreklamo ang biktima kaya agad nagsumbong at nagsagawa ng raid… Continue reading 3 indibidwal na sangkot sa ‘organ trafficking’, arestado ng NBI

Pagpapataw ng 1% Withholding Tax sa online sellers/merchants, tuloy na — BIR

Ipinatutupad na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Withholding Tax sa mga online sellers/merchants. Ito ay sa bisa ng Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 79-2024. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, wala nang extension pa sa unang ipinatupad na 90-araw na extension. “Electronic Marketplace Operators will begin imposing Withholding Tax against their sellers/merchants starting… Continue reading Pagpapataw ng 1% Withholding Tax sa online sellers/merchants, tuloy na — BIR