SONA ni PBBM inaasahan na magiging malaman at puno ng accomplishment

Inaasahan na ni Albay Representative Joey Salceda na magiging malaman ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 22. Ayon sa House Tax chief sa kabila ng mga hamon ay nagawa ng Marcos administration na mapahupa ang inflation sa target range, mapababa ang unemployment rate, at mapanatili ang… Continue reading SONA ni PBBM inaasahan na magiging malaman at puno ng accomplishment

Sec. Teodoro, Gen. Brawner, nakipagpulong sa chairman ng US Joint Chiefs of Staff

Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang Chairman ng United States Joint Chiefs of Staff na si General Charles Q. Brown sa pagbisita nito sa Camp Aguinaldo kahapon. Sa pagpupulong ng mga opisyal, binigyang diin… Continue reading Sec. Teodoro, Gen. Brawner, nakipagpulong sa chairman ng US Joint Chiefs of Staff

5 drum ng pampasabog ng NPA, narekober ng AFP at PNP

Narekober ng Philippine Army at Philippine National Police (PNP) ang limang drum ng pampasabog at 21 detonating cord na pinaniniwalaang gagamitin sa terrorist attack ng New People’s Army. Ang naturang pampasabog ay nadiskubre ng mga tropa ng 16th Infantry “Maglilingkod” Battalion, 85th Infantry “Sandiwa” Battalion, at mga pulis sa Labo, Camarines Norte nitong Sabado, July… Continue reading 5 drum ng pampasabog ng NPA, narekober ng AFP at PNP

House Appropriations Chair, suportado ang paggamit ng hindi nagagamit na pondo ng GOCC pampondo sa proyekto ng pamahalaan

Tinuran ngayon ni House Appropriations Committee Chair Zaldy Co, ang hakbang ng Department of Finance na gamitin ang bilyong pisong pondo na hindi nagagamit ng mga GOCC para tulungan ang iba pang ahensya para maipaabot ang kinakailangang serbisyo at proyekto. Sabi ni Co sa paraang ito, matitiyak na mas mapapakinabangan ng mga Pilipino ang pondo… Continue reading House Appropriations Chair, suportado ang paggamit ng hindi nagagamit na pondo ng GOCC pampondo sa proyekto ng pamahalaan

DOST-PHIVOLCS at JICA, magtutulungan para mapahusay pa ang pagtugon sa kalamidad

Kampante ang Department of Science and Technology at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na mapahusay pa ng bansa ang pagtugon sa mga kalamidad. Ito ay matapos isagawa ang signing ceremony sa pagitan ng DOST-PHIVOLCS at Japan International Cooperation Agency (JICA), para palakasin pa ang kapasidad sa pagbabantay at information dissemination tungkol sa lindol,… Continue reading DOST-PHIVOLCS at JICA, magtutulungan para mapahusay pa ang pagtugon sa kalamidad

Koleksyong ₱50 para sa rice subsidy ng mga pulis noong May at June, pinaliwanag ng PNP

Pinaliwanag ng Philippine National Police na ang kinolektang ₱50 para sa rice subsidy ng mga pulis noong buwan ng Mayo at Hunyo ay para mabawi ang sobrang naibigay na rice subsidy noong Enero at Pebrero. Sa isang statement, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, na ang aprubadong rice subsidy ng… Continue reading Koleksyong ₱50 para sa rice subsidy ng mga pulis noong May at June, pinaliwanag ng PNP

DOH, nagbabala sa pagtaas ng kaso ng Dengue kasabay ng tag-ulan

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Dengue ngayong tag-ulan. Batay sa pinakahuling datos ng DOH, noong June 29, mayroong 30% na pagtaas sa bilang ng mga kaso ng dengue. Mula sa 6,323 na kaso na naitala noong May 19 hanggang June 1, umabot sa 8,246 ang naitalang kaso… Continue reading DOH, nagbabala sa pagtaas ng kaso ng Dengue kasabay ng tag-ulan

Epekto ng “de-escalation talks” sa China, inaabangan pa ng AFP

Hindi pa masabi sa ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung nagkaroon ng positibong epekto ang “Bilateral Consultation Meeting” (BCM) na isinagawa noong Hulyo 2 sa pagitan ng China at Pilipinas para mapahupa ang tensyon sa West Philippine Sea. Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent… Continue reading Epekto ng “de-escalation talks” sa China, inaabangan pa ng AFP

DSWD, nakipag-partner sa local retailers para sa Food Stamp Program sa Central Visayas

Magtutulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local retailers sa pqgpapatupad ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program sa Central Visayas. Kapwa lumagda na sa Memorandum of Agreement (MOA) ang DSWD Field Office 7 at mga retailer mula sa Cordova Multi-Purpose Cooperative at RC Family Grocery Store sa Cordova, Cebu. May kahalintulad… Continue reading DSWD, nakipag-partner sa local retailers para sa Food Stamp Program sa Central Visayas