Niyanig pasado ala-1 ngayong hapon ng Magnitude 3.9 earthquake ang bayan ng M’lang sa Cotabato
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang epicenter ng lindol sa layong 14 na kilometro sa Kanlurang-Silangang bahagi ng M’lang sa Cotabato.
Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na limang kilometro.
Naramdaman ang Intensity 3 sa M’lang, Cotabato; Intensity 2 sa Kidapawan City, Tulunan, Makilala, Magpet, at Kabacan, Cotabato; Digos City at Magsaysay, Davao Del Sur.
Intensity 1 naman sa Pikit at Antipas sa Cotabato, at Malungon, Sarangani.
Wala namang dalang pinsala ang nangyaring lindol sa mga apektadong lugar. | ulat ni Rey Ferrer