Ibinunyag ng National Bureau of Investigation na may isa pang Alice Guo ang kumuha ng clearance noong 2005.
Sa kanilang joint press conference ng Comelec, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, ihahayag nila sa susunod na mga araw ang detalye ng isa pang Alice Guo.
Anuman daw ang kahihinatnan nito, ibibigay nila sa Senado at Comelec upang ang mga ito na ang nagdesisyon kung ano ang susunod na hakbang.
Sa panig naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, magsasagawa sila ng moto propio investigation sa kaso ni suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.
Kasong kriminal ang tinitingnan ngayon ng Comelec na maaaring isampa laban sa suspedidong alkalde dahil sa pagsisinungaling nito sa kanyang certificate of Candidacy. | ulat ni Michael Rogas