Umakyat na sa 54,000 pamilya o higit 265,000 indibidwal ang apektado ng malalakas na ulang dala ng habagat sa Mindanao.
Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Region 9, 12, at BARMM.
Batay sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 14, mayroon nang 5,027 na pamilya o katumbas ng 20,359 indibidwal ang pansamantalang inilikas sa 56 evacuation centers habang nasa higit 6,000 pamilya naman ang nakikitira muna sa kanilang kaanak.
Kaugnay nito, nakapagtala na rin ang DSWD na inisyal na ₱4.6 milyong ayuda sa mga apektado ng pag-ulan.
Sa kasalukuyan, mayroon pang kabuuang ₱2.7 billion ang hawak na relief resources ng ahensya sa kanilang stockpile ng food at non-food items pati na standby funds. | ulat ni Merry Ann Bastasa