MMDA, dumipensa sa nag-viral na PWD ramp sa isa sa mga istasyon ng EDSA Busway

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaliwanag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa nag-viral na rampa para sa mga PWD o may kapansanan sa isa sa mga bagong bukas na istasyon ng EDSA Busway.

Sa post ng MMDA sa social media, sinabi nito na mayroon kasing height restriction ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3 na sinunod ang MMDA, dahilan upang maging imposible rito na ipantay ang inilagay na elevator sa footbridge

Aminado ang ahensya na hindi perpekto ang disenyo ng naturang rampa na nagdurugtong sa elevator at footbridge subalit iginiit nilang malaking tulong pa rin ito para sa mga senior citizen, buntis at iba pang PWDs.

Gayunman, sinabi ng MMDA na magtatalaga sila ng mga kawani para umalalay sa mga PWD na mahihirapang umakyat sa rampa

Magugunitang nag-viral sa social media ang naturang rampa sa bahagi ng EDSA-Philam station ng EDSA Busway sa Quezon City kung saan, inirereklamo ito ng ilang sumubok akyatin ang rampa na matarik at hindi PWD-friendly.

Inilagay ang rampa dahil sa limitadong espasyo at kung wala ito ay hindi mailalagay ang elevator sa istruktura para sa kapakinabangan ng mga komyuter na sumasakay sa busway station. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us