Patuloy pa rin ang ginagawang pagkukumpuni sa nasirang Tangos-Tanza Navigational Gate, na nagdudulot ng pagbaha sa ilang lugar sa Navotas at Malabon.
Ayon sa pamahalaang lungsod, naiangat na ito ng 81% gayunman ay hindi pa rin ito tuluyang maisara.
Kaugnay nito, nag-deploy na rin ang LGU ng mga diver para sisirin ang apektadong site at tukuyin kung ano ang nakabara sa navigational gate at ang dahilan bakit hindi ito maitaas ng 100%.
Tuloy-tuloy naman aniya ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaang lungsod ng Navotas sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa agarang pagsasaayos ng Tangos-Tanza Navigational Gate. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸: Mayor John Rey Tiangco