Mas pinadali na ngayon ang pagkuha ng OFW records o OFW Information Sheet gamit ang OFW Records Online Appointment System ng Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon sa DMW, para makapag-iskedyul ng appointment, bumisita lamang sa official website ng ahensya na https://ofwrecords.dmw.gov.ph/
Narito naman ang mga gabay sa pagkuha ng OFW Records o OFW Information Sheet.
Una, kailangan na mag-log in gamit ang latest Appointment Reference Number o mag-register kung bagong user.
Pagkatapos, piliin ang nais na oras at araw ng inyong appointment at i-print ang Appointment Form.
Sa araw ng inyong appointment, dalhin ang Appointment Form at isang valid government-issued ID sa napili ninyong DMW office.
Kabilang sa mga tinatanggap na ID ang passport, UMID, SSS ID, driver’s license, at iba pa.
Para naman sa ibang katanungan tungkol sa OFW records, maaaring tumawag sa DMW Information and Assistance Center sa (02) 8722-11-44 o mag-email sa ๐๐๐๐๐๐๐๐ค@๐๐ฆ๐ฐ.๐ ๐จ๐ฏ.๐ฉ๐ก.| ulat ni Diane Lear