Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakaluklok sa Pilipinas, mula sa pitong bansa na pinagpilian, na magsilbing host para sa Loss and Damage Fund.
“I am proud to announce that the Philippines has been elected to host the Loss and Damage Fund Board, out of seven other contenders.” —Pangulong Marcos.
Ayon kay Pangulong Marcos, magkakaroon rin ng pwesto ang bansa sa Board. Sisiguruhin lamang nito na magsisilbing boses ang Pilipinas sa pagsusulong ng global climate action.
“We are also honored to have a seat on the Board itself, ensuring that the Philippines will be a formidable voice in promoting and advancing global climate action— an issue of critical interest to the country.” —Pangulong Marcos.
Ayon sa pangulo, ang pagho-host ng LDF Board, ay nagbibigay diin rin sa dedikasyon ng bansa, at sa leadership role nito, na siguruhin na ang boses ng mga bansang pinaka-apektado ng Climate Change ay kabilang sa mga huhubog ng mga hinaharap na international climate policies.
“Hosting the LDF Board reinforces our dedication to inclusivity and our leadership role in ensuring that the voices of those most affected by climate change shape the future of international climate policies” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan