Binati ng mga senador ang pagkakatalaga ni Senador Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, well-deserved ang appointment ni Angara.
Sinabi naman ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, na very qualified si Angara sa naturang posisyon at tiyak siyang magiging epektibo ito bilang education secretary lalo na’t sa background nito EDCOM at ang pagiging pamilyar niya sa mga issues ng bansa.
Para naman kay Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. tamang desisyon ang pagkakatalaga kay Sen. Sonny.
Sa kakayahan at kaalaman aniya ng senador ay tiyak na magiging instrumento siya sa pagtugon sa mga pangangailangan ng DepEd.
Ipinahayag naman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hindi maitatanggi ang pagpursigi ni Angara sa universal access to quality tertiary education act na nagbigay daan para maging libre ang tuition at iba pang fees sa mga state universities and colleges.
Kumpiyansa rin si Estrada na magsisilbing haligi si Senator Sonny sa pagkakaroonng mas marami pang reporma at innovative solutions sa deped maging sabuong basic education sector. | ulat ni Nimfa Asuncion