MCA sa WPS, walang na-monitor na barko ng China sa EEZ ng Pilipinas

Walang barko ng China ang na-mataan o na-monitor sa radar ng mga barkong pandigma ng Philippine at US Navy na nagsagawa ng Maritime Cooperative Activity (MCA) sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas kahapon. Ito ang iniulat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad matapos ang sabayang pag-patrolya ng… Continue reading MCA sa WPS, walang na-monitor na barko ng China sa EEZ ng Pilipinas

Digital Forensic Examination report sa mga kagamitang nakumpiska sa naarestong Chinese na hinihinalang espiya, inilabas na ng PNP-ACG

Libu-libong kahina-hinalang mga larawan, video at iba pa ang nakita sa isa sa mga nakumpiskang ebidensya ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG). Ito’y makaraang ilabas na ng ACG ang resulta ng isinagawa nilang digital forensic examination sa mga kagamitang nasabat nila mula sa Chinese national na hinihinalang espiya. Batay sa 20 pahinang ulat,… Continue reading Digital Forensic Examination report sa mga kagamitang nakumpiska sa naarestong Chinese na hinihinalang espiya, inilabas na ng PNP-ACG

PUV Modernization Program, tuloy ayon sa LTFRB

Nanindigan ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na tuloy pa rin ang usad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ito ay sa kabila ng resolusyong itinutulak sa senado para suspendihin ang programa. Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, walang dapat ipag-alala ang mga tsuper at operator na sumunod na sa… Continue reading PUV Modernization Program, tuloy ayon sa LTFRB

Lab for All Caravan ni First Lady Liza Araneta-Marcos, dinala sa Quezon City

Umarangkada ngayong araw sa Quezon City ang “LAB FOR ALL: Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat!” ni First Lady Liza Araneta-Marcos. Pinangunahan ito mismo ng unang ginang kasama ang ilan sa mga miyembro ng gabinete ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. at si QC Mayor Joy Belmonte. Kumpleto ang serbisyong alok sa ilalim ng… Continue reading Lab for All Caravan ni First Lady Liza Araneta-Marcos, dinala sa Quezon City

Rice for All Program, dadalhin na rin sa Visayas at Mindanao

Siniguro ng Department of Agriculture na mabibigyan din ng murang bigas ang mga taga Visayas at Mindanao. Ito ang tiniyak ni Agriculture Assistant Sec. Jenivev Guevarra kasunod ng paglukunsad ng Rice for All Program sa Bureau of Plants and Industry San Andres Maynila ngayong umaga. Sabi nya, posibleng sa susunod na linggo ay maipatuoad na… Continue reading Rice for All Program, dadalhin na rin sa Visayas at Mindanao

Donasyon ng UAE Govt para sa mga biktima ng kalamidad, sinimulan nang ipamahagi ng DSWD

Agad na ipinamamagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga donasyong hatid ng UAE govt para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Carina at Habagat. Sa bisa ito ng utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian upang agad na matanggap ng mga apektadong local government units ang humanitarian aid. Kabilang sa unang… Continue reading Donasyon ng UAE Govt para sa mga biktima ng kalamidad, sinimulan nang ipamahagi ng DSWD

Angkas riders, maaari na ring makinabang sa SSS

May pagkakataon na ring makinabang sa insurance benefit ng Social Security System ang mga rider na sakop ng ride-hailing app na Angkas. Kasunod ito ng paglagda sa isang memorandum of agreement sa pagitan nina SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet at Angkas CEO George Royeca para sa implementasyon ng “AngkaSSS na sa Protektadong Bukas”… Continue reading Angkas riders, maaari na ring makinabang sa SSS

4Ps budget para sa 2025, sisiguruhing hindi na magagalaw

Mahigpit na babantayan ng liderato ng Kamara na wala nang mangyaring surprise realignment ng pondo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa 2025 national budget. Ani deputy speaker David Suarez babantayan nila ang bawat bahagi ng budget process upang maiwasang mailipat ang pondo ng 4Ps gaya na lang ng nangyari noong 2023. Dahil sa… Continue reading 4Ps budget para sa 2025, sisiguruhing hindi na magagalaw

Pulis na nasawi matapos barilin ng sinitang teenager sa Cebu, pinarangalan ng PNP Chief

Ginawaran ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ng posthumous award na Medalya ng kadakilaan ang isang pulis na nasawi matapos barilin ng sinitang menor de edad noong Hulyo 27 sa Oakridge Barangay Banilad sa Mandaue City. Ito’y nang personal na bumisita si Gen. Marbil sa burol ni Police Staff Sgt. Orvin Seth Lim… Continue reading Pulis na nasawi matapos barilin ng sinitang teenager sa Cebu, pinarangalan ng PNP Chief

PRA, bukas sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa sinasabing pagbaha sa Metro Manila dahil sa Manila Bay Reclamation

Positibo ang tingin ng pamunuan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) sa ikinakasang imbestigasyon ng ilang mambabatas sa mababang kapulungan patungkol sa nangyaring pagbaha sa kalakhang Maynila kung saan ang ginagawang reklamasyon sa Manila Bay ang itinuturong dahilan. Ayon kay PRA Assistant General Manager, Atty. Joseph Literal, ang nakaambang na imbestigasyon ay magbibigay sa kanila ng… Continue reading PRA, bukas sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa sinasabing pagbaha sa Metro Manila dahil sa Manila Bay Reclamation