Mga programa at proyektong popondohan sa 2025 National Budget, titiyaking pakikinabangan ng lahat ng Pilipino

Sumalang na sa budget briefing ang P6.352 trilion National Expenditure Program. Sa kaniyang pambungad na mensahe, binigyang diin ni House Speaker Martin Romualdez na malinaw ang direksyon ng 2025 budget, at ito ay patuloy na palakasin ang ekonomiya ng bansa at tiyaking makikinabang ang lahat ng Pilipino sa pag-unlad na ito. ‘THE BUDGET IS THE… Continue reading Mga programa at proyektong popondohan sa 2025 National Budget, titiyaking pakikinabangan ng lahat ng Pilipino

Mahigit kalahating bilyong piso, gastos sa security detail ni VP Sara

Inihayag ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon ang aniya’y gastos ng pamahalaan sa security detail ni Vice President Sara Duterte. Sa isang pahayag, sinabi ni Gadon na pumapalo aniya sa mahigit kalahating bilyong piso ang ginagamit na pondo para sa Pangalawang Pangulo. Binigyang-diin ng kalihim na sa nakalipas na dalawang taon,… Continue reading Mahigit kalahating bilyong piso, gastos sa security detail ni VP Sara

Tinatayang 50 tindahan ng iba’t ibang dekorasyon, natupok sa sunog sa QC

Nasa tinatayang 50 mga stalls ng iba’t ibang panindang dekorasyon ang natupok sa sunog sa isang establisyimento sa Kanlaon Street, Barangay Santa Teresita, Quezon City. Sa inisyal na ulat ng BFP-NCR, bigla nalang sumiklab ang apoy sa establisyimento kaninang magaalas diyes ng umaga at mabilis itong umakyat sa unang alarma. Karamihan sa natupok ay mga… Continue reading Tinatayang 50 tindahan ng iba’t ibang dekorasyon, natupok sa sunog sa QC

PNP-ACG at Council for Welfare of Children, nag sanib-pwersa kontra sa online sexual abuse ng kabataan

Lumagda sa isang Memorandum of Understanding sa Camp Crame ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) kasama ang Council for Welfare of Children (CWC) para labanan ang pagkalat ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at Child Sexual Abuse and Exploitation Materials. Nakasaad sa MOU, na tutugon ang PNP ACG Women and Children Cybercrime Protection Unit… Continue reading PNP-ACG at Council for Welfare of Children, nag sanib-pwersa kontra sa online sexual abuse ng kabataan

Umento sa suweldo ng mga kawani ng Pamahalaan, malaking bagay lalo na sa mga guro

Nagpasalamat ang Department of Education (DepEd) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. gayundin sa Department of Budget and Management (DBM). Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Marcos ang pagpapatupad ng umento sa suweldo sa mga kawani ng Pamahalaan gayundin ang pagbibigay ng Medical Allowance sa mga ito. Sa isinagawang flagraising ceremony ngayong araw, sinabi ni Education… Continue reading Umento sa suweldo ng mga kawani ng Pamahalaan, malaking bagay lalo na sa mga guro

Umano’y shabu lab, na-diskubre ng PNP sa Saranggani

Na-diskubre ng mga awtoridad ang isa umanong shabu Laboratory sa loob ng warehouse sa Sitio Sagel, Brgy Pinol, Maitum, Sarangani Province. Sa ulat ng Sarangani PNP na nakarating sa Camp Crame, alas 8:30 ng umaga kahapon ng i-raid ang warehouse sa bisa ng Search Warrant . Natagpuan ng mga pulis sa loob ng warehouse ang… Continue reading Umano’y shabu lab, na-diskubre ng PNP sa Saranggani

Pagkapanalo ni Carlos Yulo sa Olympics, simbulo ng pagkakaisa ng bansa — NSC at NTF ELCAC

Nagpaabot ng pagbati ang National Security Council (NSC) at ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagkapanalo ng dalawang ginto ni Carlos Yulo sa Paris Olympics. Sa inilabas na pahayag ng NSC at NTF-ELCAC, ang pagkapanalo ni Yulo ay magsisilbing simbulo ng pagkakaisa, pagsisikap at ang hindi matatawarang pag-abot sa… Continue reading Pagkapanalo ni Carlos Yulo sa Olympics, simbulo ng pagkakaisa ng bansa — NSC at NTF ELCAC

Mga estudyante sa Marikina City, balik-eskuwela na ngayong araw

Pormal nang nagsimula ngayong araw ang klase sa mga paaralan sa Marikina City may dalawang linggo matapos manalasa ang bagyong Carina at habagat. Sa Malanday Elementary School na siyang pinakamalaking paaralan sa lungsod, maaga pa lamang ay marami nang estudyante ang excited nang magbalik-eskuwela sa kabila ng manaka-nakang pagbuhos ng ulan mula pa kaninang madaling… Continue reading Mga estudyante sa Marikina City, balik-eskuwela na ngayong araw

Pagkapanalo ng 2 ginto ni Carlos Yulo sa Paris Olympics, itinuturing na makasaysayan ng Philippine Olympic Committee

Nagpaabot ng pagbati ang Philippine Olympic Committee sa pagkapanalo ng dalawang gintong medalya ni Carlos Yulo sa Paris 2024 Olympics. Sa isang kalatas, sinabi ng POC na dahil sa pagkapanalong ito ni Yulo, naukit na ang pangalan nito sa kasaysayan. Dahil din anila rito, maituturing nang nagsimula ang “Golden Chapter sa Philippine Gymnastics.” Bukod kasi… Continue reading Pagkapanalo ng 2 ginto ni Carlos Yulo sa Paris Olympics, itinuturing na makasaysayan ng Philippine Olympic Committee

Police Assistance Desk, inilatag ng PNP sa mga paaralan ngayong full blown na ang Balik-Eskuwela

Muling tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan nito sa pag-alalay sa mga mag-aaral, magulang, at guro ngayong full-blown na ang pagbabalik-eskuwela ngayong araw. Iyan ang inihayag ng PNP kasunod ng pagbubukas ng klase sa mga paaralang naapektuhan ng nagdaang kalamidad gayundin ang mga ginamit bilang evacuation center. Ayon kay PNP Public Information Office… Continue reading Police Assistance Desk, inilatag ng PNP sa mga paaralan ngayong full blown na ang Balik-Eskuwela