Resolusyon na kumikilala at maggagawad ng Congressional Medal kay Carlos Yulo, inihain sa Kamara

Inihain ngayon ni Abra Lone District Rep. Ching Bernos ang House Resolution 1839 na kumikilala at nagpapaabot ng pagbati kay Carlos Yulo. Tinukoy sa resolusyon ang pagkapanalo ni Yulo sa Men’s Artistic Floor Exercise at Vault competition kung saan nanguna siya at nakasungkit ng dalawang magkasunod na gintong medalya para sa Pilipinas. Ipinunto ni Bernos… Continue reading Resolusyon na kumikilala at maggagawad ng Congressional Medal kay Carlos Yulo, inihain sa Kamara

2 nanay na umano’y nagbebenta ng malalaswang larawan at video ng kanilang mga anak, inaresto ng NBI

Timbog sa operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Caloocan City ang dalawang ina na sangkot sa umano’y pagbebenta ng malalaswang larawan at video ng kanilang mga anak online. Ayon kay NBI Dir. Jaime Santiago, nagugat ang operasyon sa impormasyon na mula sa kanilang mga foreign counterparts sa Estados Unidos, lalo at karamihan umano… Continue reading 2 nanay na umano’y nagbebenta ng malalaswang larawan at video ng kanilang mga anak, inaresto ng NBI

Monstership ng Chinese Coast Guard, nakabantay sa Sabina Shoal

Kinumpirma ng Philippine Navy na nananatili ang monstership ng Chinese Coast Guard sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea na saklaw ng munisipyo ng Kalayaan, Palawan. Ayon kay Phil. Navy Spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad , simula noong July 30 hanggang kaninang umaga nananatili sa Sabina Shoal ang monstership. Mayroon din… Continue reading Monstership ng Chinese Coast Guard, nakabantay sa Sabina Shoal

Pagpapaigting ng mga hakbang para sa food security ng bansa, tiniyak ng NEDA

Paiigtingin pa ng Pamahalaan ang mga ginagawang hakbang nito para siguruhing sapat ang pagkain ng mga Pilipino sa gitna na rin ng nagbabantang pagpasok ng La Niña gayundin ang bumibilis na inflation sa bansa. Ito ang tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa pagbilis… Continue reading Pagpapaigting ng mga hakbang para sa food security ng bansa, tiniyak ng NEDA

Rice inflation, bumaba nitong Hulyo — PSA

Sa kabila ng pagbilis ng inflation, bumagal naman ang rice inflation sa bansa. Sa tala ng Philippine Statistics Authority, mula sa 22.5% noong Hunyo ay bumagal sa 20.9% ang rice inflation nitong Hulyo. Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, tuloy-tuloy rin ang naitatala nitong pagbaba sa presyo ng regular, well-milled pati… Continue reading Rice inflation, bumaba nitong Hulyo — PSA

Karagdagang suplay ng bigas para sa presyong P29, inihahanda na ng NIA

May mga bagong aning bigas na ang National Irrigation Administration para ibenta sa KADIWA Stores sa halagang P29 kada kilo. Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, ang nasabing bigas ay bunga ng programa na isinusulong ng NIA na ‘Rice Contract Farming’. Nire-repack at inihahanda na ng NIA Cavite-Batangas at NIA Quezon Irrigation Management Offices ang… Continue reading Karagdagang suplay ng bigas para sa presyong P29, inihahanda na ng NIA

Pagbibigay ng lifetime pension para sa mga atletang Pilipino, inaaral na ng Kamara

Plano ng Kamara na magbigay ng pangmatagalang benepisyo para sa lahat ng atletang Pilipino. Ito ang tinuran ni House Speaker Martin Romualdez kasunod na rin ng makasaysayang 2-time gold medal win ng Pinoy gymnast na si Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympics. Ayon sa lider ng Kamara, hindi lang basta insentibo o reward sa kanilang… Continue reading Pagbibigay ng lifetime pension para sa mga atletang Pilipino, inaaral na ng Kamara

Hamon sa presyo ng bigas natugunan na sa kabila ng pagbilis ng inflation nitong Hulyo — House tax chief

Para kay Albay Rep. Joey Salceda, House tax chief, natugunan na ang mataas na presyo ng bigas na nakaapekto sa inflation rate. Ito ay kahit pa nakapagtala ng 4.4 percent inflation rate sa buwan ng Hulyo. Kung ikukumpara kasi aniya ang month-on-month na presyo ng bigas ay bumababa na ito. At lalo pa aniya bababa… Continue reading Hamon sa presyo ng bigas natugunan na sa kabila ng pagbilis ng inflation nitong Hulyo — House tax chief

21 lugar nagdeklara ng State of Calamity dahil sa oil spill

Umakyat sa 21 ang bilang ng mga lugar na nagdeklara ng State of Calamity dahil sa oil spill sa Limay, Bataan dulot ng paglubog ng MT Terranova. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council (NDRRMC), 12 munisipyo at lungsod sa Bataan ang nagdeklara ng state of calamity. Habang 7 munisipyo at 2… Continue reading 21 lugar nagdeklara ng State of Calamity dahil sa oil spill

Maigting na seguridad at police visibility sa mga istasyon ng tren sa Metro manila, tiniyak ng NCRPO

Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakatutok ito sa pagpapaigting ng seguridad sa lahat ng mga istasyon ng tren sa Metro Manila. Kasunod ito ng napaulat na higit sa 80 krimen na naitala sa mga tren gaya ng MRT at LRT mula 2023 hanggang 2024. Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas Media Forum,… Continue reading Maigting na seguridad at police visibility sa mga istasyon ng tren sa Metro manila, tiniyak ng NCRPO