Coach at trainer ni golden boy Carlo Yulo, kasali rin sa makatatanggap ng gantimpala mula sa gobyerno ng Pilipinas

Patuloy ang pagbuhos ng biyaya kay 2-time olympic gold medalist Carlos Yulo gayundin sa mga coaches at trainers nito. Inanunsyo na kasi ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco na kasama ang mga coaches at trainers ni Caloy Yulo sa mabibigyan ng gantimpala dahil sa nakuhang medalyang ginto nito. Ayon kay Tengco, ito ay nakasaad sa mandato… Continue reading Coach at trainer ni golden boy Carlo Yulo, kasali rin sa makatatanggap ng gantimpala mula sa gobyerno ng Pilipinas

Kita ng LTO-NCR, tumaas ng 2.70% sa unang kalahati ng 2024

Ipinagmalaki ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) na lumobo sa 2.70% ang kita nito sa unang anim na buwan ng 2024. Ito’y matapos na pumalo sa ₱4.67-billion ang nakolektang revenue ng ahensya. Ayon kay LTO-NCR Financial Management Division (FMD) Chief Annabelle Quevedo, nalagpasan na ng ahensya ang first half revenue collection noong nakaraang taon… Continue reading Kita ng LTO-NCR, tumaas ng 2.70% sa unang kalahati ng 2024

P1,000 cash gift para sa mga lolo at lola sa Muntinlupa, pinabulaanan ng pamahalaang lungsod nito

Fake news ang hatol ng Muntinlupa Local Government sa impormasyong kumakalat tungkol sa cash na ipapamahagi diumano para sa kaarawan ng senior citizens. Ayon sa Facebook post ng LGU, hindi totoong may P1,000 matatanggap ang mga edad 70 to 79 mula sa city government bilang pa-birthday. Paalala ng lungsod, kung mayroon man kumuha ng impormasyon… Continue reading P1,000 cash gift para sa mga lolo at lola sa Muntinlupa, pinabulaanan ng pamahalaang lungsod nito

Employment rate nitong Hunyo, pumalo sa 96.9% — PSA

Malaking bilang ng mga Pilipino ang nagkatrabaho sa bansa nitong Hunyo ng 2024. Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), sumampa sa 96.9% ang employment rate nitong Hunyo o katumbas ng 50.28 milyong Pilipinong may trabaho. Mas mataas ito sa 48.87 milyon na bilang ng employed noong Mayo at 48.84… Continue reading Employment rate nitong Hunyo, pumalo sa 96.9% — PSA

PBBM, pinangunahan ang turn over ceremony ng P782-M na heavy equipment para sa NIA

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang turn over ceremony ng P782-M na halaga ng heavy equipment para sa National Irrigation Administration sa Mexico, Pampanga. 148 units ng heavy equipment gaya ng excavators, dump trucks, truck-tractors na may trailer ang ipapamahagi sa lahat ng NIA Regional Offices sa buong bansa. Ang hakbang ayon sa… Continue reading PBBM, pinangunahan ang turn over ceremony ng P782-M na heavy equipment para sa NIA

Kamara kaisa ng ehekutibo sa pagsuporta sa mas maayos na irigasyon at pagpapalakas ng ani ng mga Pilipinong magsasaka

Muling iginiit ni Speaker Martin Romualdez na buong buo ang suporta ng Kamara sa mga inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na layong palakasin ang produksyon at ani ng mga Pilipinong magsasaka. Kasunod ito ng ginawang turnover ceremony ng 1,499 na bagong heavy equipment para sa National Irrigation Administration (NIA) sa Mexico Pampanga ngayong… Continue reading Kamara kaisa ng ehekutibo sa pagsuporta sa mas maayos na irigasyon at pagpapalakas ng ani ng mga Pilipinong magsasaka

Vietnamese kidnapped victim, na-rescue ng SPD

Arestado ng Parañaque City Police ang tatlong Chinese nationals na sinasabing nasa likod ng kidnapping sa isang female Vietnamese national. Ito ay matapos ang isang coordinated operation sa isang residential resort sa Barangay Tambo, Parañaque City.  Ayon sa report ng Southern Police District (SPD), kinilala ang biktima na si Lang, isang 23-year-old na Vietnamese tourist.  Ligtas… Continue reading Vietnamese kidnapped victim, na-rescue ng SPD

AFP Chief, pinangunahan ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Joint Special Operations Group

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng Joint Special Operations Group (JSOG) sa Camp Aguinaldo ngayong araw. Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Gen. Brawner ang mahalagang papel ng JSOG sa pagmantini ng pambansang seguridad, at paglaban sa iba’t ibang banta sa… Continue reading AFP Chief, pinangunahan ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Joint Special Operations Group

LTFRB, nagpasalamat kay Pangulong Marcos sa pagsuporta sa PTMP sa gitna ng panawagang itigil ang pagpapatupad nito

Nagpaabot ng pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III sa pagsuporta sa Public Transportation Modernization Program(PTMP). Ito’y sa gitna ng mga panawagan ng Senado na suspindihin ang pagpapatupad nito. Ayon kay Guadiz, ang matatag na pangako ng Pangulo ay nagpapatibay sa kahalagahan ng modernisasyon ng sistema ng pampublikong transportasyon… Continue reading LTFRB, nagpasalamat kay Pangulong Marcos sa pagsuporta sa PTMP sa gitna ng panawagang itigil ang pagpapatupad nito

Regulasyon sa lahat ng sugar based products, iniutos na ng DA sa SRA

Inatasan na ng Department of Agriculture ang Sugar Regulatory Administration na silipin ang aktwal na volume ng lahat ng sugar products na pumapasok sa bansa. Kasunod ito ng reklamo ng United Sugar Producers Federation (UNIFED) at iba pang sugar stakeholders kaugnay ng umano’y nakakaalarmang volume ng sugar premixes na umaabot sa 200,000 -300,000 MT kada… Continue reading Regulasyon sa lahat ng sugar based products, iniutos na ng DA sa SRA