Official X account ng DOF na-hack, nagbabala sa publiko na iwasan i-click ang anumang links sa post nito

Na-hack ang official X account o dating Twitter ng Department of Finance (DOF). Sa official statement ng DOF, sinabi nito na na-compromise ang kanilang X account na @DOF_PH at kasalukuyang hindi na ma-access. Nagbabala din ito sa publiko na iwasan na i-click ang links sa naunang nai-post nito. Sa ngayon ay mayroon nang bagong X account… Continue reading Official X account ng DOF na-hack, nagbabala sa publiko na iwasan i-click ang anumang links sa post nito

Acting Mayor ng Bamban Tarlac, itinalaga na ng DILG

Nagtalaga na ng bagong Acting Municipal Mayor ng Bamban Tarlac ang Department of the Interior and Local Government (DILG). Nanumpa na ngayong hapon kay DILG Secretary Benhur Abalos si Municipal Councilor Erano Timbang, na ginanap sa Kampo Krame. Manunungkulan si Timbang bilang acting mayor sa loob ng tatlong buwan. Pagkatapos ng tatlong buwan, papalit naman… Continue reading Acting Mayor ng Bamban Tarlac, itinalaga na ng DILG

Damulog Bukidnon, idineklarang “insurgency free”

Pormal nang idineklara bilang “insurgency free” ang munisipyo ng Damulog sa Bukidnon sa isang seremonya sa Municipal Gymnasium kahapon. Ang Damulog ang ikatlong bayan ng lalawigan kasunod ng San Fernando at Kadingilan, na tuluyang napalaya mula sa impluwensya ng mga teroristang komunista. Sinabi ni Brigadier General Marion T. Angcao, Commander ng 1003rd Infantry (Raptor) Brigade,… Continue reading Damulog Bukidnon, idineklarang “insurgency free”

Top 3 cadet ng pioneer batch ng Philippine Public Safety Academy, pinarangalan

Pinangunahan ng 3 babae ang pioneering batch ng Philippine Public Safety Academy na nagtapos ngayong araw sa PICC. Ito ay sina Jail Cadet Sula Mae Ricamara bilang top 1 at nakatakdang magsilbi sa Bureau of Jail Management and Penelogy o BJMP na may ranggong tinyente o jail inspector. Sinundan ito ni Jail Cadet Maria Stephanie… Continue reading Top 3 cadet ng pioneer batch ng Philippine Public Safety Academy, pinarangalan

Transport strike ng ilang transport groups, nananatiling mapayapa

Pangkalahatang mapayapa ang 3-araw na transport strike na ikinasa ng grupong Piston at Manibela. Ayon ito kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, na nagsabi na hanggang sa kasalukuyan ay walang na-monitor na untoward incident ang PNP. Tiniyak ni Fajardo na sapat ang bilang ng mga pulis na dineploy para panatilihing maayos… Continue reading Transport strike ng ilang transport groups, nananatiling mapayapa

Grupong Bayanihan, magsasampa ng reklamo sa House Committee on Ethics laban kay Sagip Rep. Rodante Marcoleta

Mariing kinokondena ng organisasyong Bayanihan ang patuloy na paninira ni Sagip Party List Cong. Rodante Marcoleta sa integridad ng Commission on Election. Sa kanilang press conference, inihahanda na ng grupo ang pagsasampa ng reklamo sa House Committee on Ethics laban sa kongresista. Sinabi ni Elmer Argano, Chairman ng Bayanihan para sa Karangalan at Kaunlaran ng… Continue reading Grupong Bayanihan, magsasampa ng reklamo sa House Committee on Ethics laban kay Sagip Rep. Rodante Marcoleta

Panibagong diplomatic protest ng Pilipinas vs. China, suportado ng isang mambabatas

Nagpahayag ng buong suporta ang miyembro ng Young Guns na si 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez sa paghahain ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest laban sa China. Kasunod ito ng mapanganib na pagpapakawala ng flares ng Chinese fighter jets sa dinaraanan ng Philippine Air Force na nagsasagawa ng patrolya sa Bajo de… Continue reading Panibagong diplomatic protest ng Pilipinas vs. China, suportado ng isang mambabatas

Pagtatayo ng mas maraming soil testing centers, ipinagutos ni Pangulong Marcos

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na paramihin at gawing mas accesible ang soil testing centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Mahalaga ang mga testing centers na ito, upang masuri ang lupang sakahan, at matukoy ang eksaktong volume ng fertilzer na kailangan para dito. Sa pulong sa Malacañang,… Continue reading Pagtatayo ng mas maraming soil testing centers, ipinagutos ni Pangulong Marcos

Higit P20-M na cash incentives, ipinagkaloob ng Kamara sa 22 Pinoy Olympic athletes

Mainit na sinalubong ng House of Representatives ang Philippine Olympic delegation na sumabak sa katatapos lang na 2024 Paris Olympic. Sa inihandang Congressional Reception ng Kamara personal na iniabot ni House Speaker Martin Romualdez ang kopya ng mga resolusyong pinagtibay para kilalanin ang ating Filipino athletes. Kabilang dito ang Congressional Medal of Distinction para kina… Continue reading Higit P20-M na cash incentives, ipinagkaloob ng Kamara sa 22 Pinoy Olympic athletes

MNLF, nagpahayag ng buong suporta sa “peace agenda” ng Pangulo

Nagpahayag ng buong suporta ang Moro National Liberaton Front (MNLF) sa peace and development agenda ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Mindanao. Ang pahayag ay ginawa ng MNLF sa ika-4 na MNLF Convergence Meeting na pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), sa Davao City kahapon. Sa mensahe ni… Continue reading MNLF, nagpahayag ng buong suporta sa “peace agenda” ng Pangulo