Mga consumer, kaniya-kaniyang diskarte sa pagtitipid para mapagkasya ang pang araw-araw na budget

Hindi tumitigil sa paghahanap ng paraan ang mga consumer sa Marikina City para mapagkasya ang kanilang pang araw-araw na budget. Ito’y kahit pa aminado ang mga ito na wala nang ihihigpit pa ang kanilang sinturon dahil sa mahal na presyo ng mga pangunahing bilihin. Ayon sa ilang mga nakapanayam ng Radyo Pilipinas, may ilang nagsabing… Continue reading Mga consumer, kaniya-kaniyang diskarte sa pagtitipid para mapagkasya ang pang araw-araw na budget

AFP Chief, sumuporta sa Govt. Peace Caravan sa Lanao del Norte

Dumalo si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa pagbubukas ngayong araw ng Inter-Cabinet Cluster Mechanism on Normalization (ICCMN) Caravan sa Lanao Del Norte, na pinangunahan ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. Sa kanyang mensahe sa Camp Bilal, Barangay Tamparan, Munai, Lanao Del Norte, sinabi ng… Continue reading AFP Chief, sumuporta sa Govt. Peace Caravan sa Lanao del Norte

PNP, inaaral na gawing 1 is to 250 ang police to population ratio sa highly urbanized areas

Magsasagawa ng pag-aaral ang Philippine National Police (PNP) upang mabago ang police to population ratio sa highly urbanized areas. Sa pagtalakay ng Kamara sa panukalang 2025 budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan nakapaloob ang PNP, natanong ni Baguio Representative Mark Go kung ilan pa ang bakanteng posisyon sa pambansang… Continue reading PNP, inaaral na gawing 1 is to 250 ang police to population ratio sa highly urbanized areas

P20.7 milyon halaga ng kush, narekober sa Thai National sa NAIA

Inaresto ang isang 40-taong gulang na babaeng Thai sa pagtatangkang magpuslit ng P20.7 milyong halaga ng marijuana Kush sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon. Sa ulat ni PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Director Police Brigadier General Eleazar Matta, nahuli ang suspek sa controlled delivery operation sa International Arrival Area ng NAIA Terminal 3, na… Continue reading P20.7 milyon halaga ng kush, narekober sa Thai National sa NAIA

GSIS, pahahabain pa ang loan restructuring and condonation program nito

Hanggang May 19, 2025 na maaaring magamit ng mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) ang Restructuring Program for Service Loans (RPSL) nito. Ayon sa ahensya, ang kanilang ginawang extension ay nagbibigay ng magandang oportunidad para sa mga borrower na magbenepisyo sa mas mahaba at mas abot kayang payment terms. Paliwanag naman ni GSIS… Continue reading GSIS, pahahabain pa ang loan restructuring and condonation program nito

Naitalang ASF cases sa bansa, hindi dapat ikaalarma, ayon sa pamahalaan

Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na nakalatag na ang checkpoint o inspection station ng gobyerno sa mga affected areas ng African Swine Fever (ASF) sa Batangas. Ito ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ay upang ma-contain ang ASF cases. “Tomorrow, mayroon tayong mga checkpoint or inspection stations na itatalaga sa mga affected areas… Continue reading Naitalang ASF cases sa bansa, hindi dapat ikaalarma, ayon sa pamahalaan

25K pulis at sundalo, expired ang LTOPF ayon sa PNP

Iniulat ng PNP Civil Security Group (CSG) na 11-libong pulis at 14-libong sundalo ang expired na ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF). Ayon pa kay CSG spokesperson Police Lt. Col Eudisan Gultiano, nasa 25-libo naman ang expired na Firearms Registration sa PNP at 29-libo ang expired Firearms Registrations sa AFP. Paliwanag ni Gultiano,… Continue reading 25K pulis at sundalo, expired ang LTOPF ayon sa PNP

Bilang ng mga mahihirap na Pilipino noong 2023, bumaba – PSA

Nananatiling on-track ang administrasyong Marcos sa target nitong single-digit na antas ng kahirapan sa 2028. Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 10.9% ang poverty incidence sa mga pamilyang pilipino noong 2023 mula sa 13.2% noong 2021. Katumbas ito ng 109 sa bawat 1,000 pamilya na matatawag na mahirap. Sa usapin ng… Continue reading Bilang ng mga mahihirap na Pilipino noong 2023, bumaba – PSA

BCDA, nagkaroon ng partnership sa isang Dannish company para sa decarbonization program sa New Clark City

Upang mas maging Eco-Friendly at Carbon Free ang buong Clark City. lsang partnership ang binuo ng Bases Conversion and Development Auhority at ng kumpanyang Danfoss Incoporated para sa Decarbonization Program sa buong Clark City. Ayon kay Danfoss Philippines Inc. General Manager Allan Almendrala, layon ng naturang partnership na makatulong ang kanilang kumpanya na makatulong sa… Continue reading BCDA, nagkaroon ng partnership sa isang Dannish company para sa decarbonization program sa New Clark City

Task Force Mindanao, ikinakasa bilang paghahanda sa nalalapit na BARMM elections

Siniguro ni PNP Chief Rommel Marbil na titiyakin ng pambansang pulisya, katuwna ng iba pang ahensya ang mapayapang pagdaraos ng kauna-unahang BARMM elections. Sa pagsalang ng panukalang P281.3-B 2025 budget ng DILG sa Kamara, nausisa ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang PNP kung mayroon ba silang road map para sa paghahanda sa eleksyon. Tugon naman… Continue reading Task Force Mindanao, ikinakasa bilang paghahanda sa nalalapit na BARMM elections