Valenzuela LGU, inalerto ang mga residente laban sa ASF

Pinag-iingat na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang publiko laban sa African Swine Fever (ASF). Sa abiso ng local government, bagamat walang naitalang kaso ng ASF sa lungsod kailangang maging mapanuri ang publiko sa pagbili ng karneng baboy. Pinapayuhan ang publiko, na bumili lamang ng karneng baboy sa mga sertipikadong meat dealer at lutuing… Continue reading Valenzuela LGU, inalerto ang mga residente laban sa ASF

Pagkalat ng sakit kabilang ng ASF sa panahon ng bagyo , kasama sa pinaghahandaan ng Task Force La Niña

Hindi isinasantabi ng Task Force La Nin̈a ang posibleng pagkalat ng sakit sa tao at maging sa hayop sa panahon ng bagyo at malawakang pagbaha. Ayon kay PCO Assistant Secretary at Task Force La Nin̈a Spokesperson Joey Villarama, kabilang ito sa kanilang tatalakayin sa mga ginagawang paghahanda ng pamahalaan bago pa ang panahon ng La… Continue reading Pagkalat ng sakit kabilang ng ASF sa panahon ng bagyo , kasama sa pinaghahandaan ng Task Force La Niña

Mga tumulong kay Mayor Alice Guo sa pagtakas sa bansa, binalaan ng PNP

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) na mapapatawan ng kaparusahan ang sino mang indibidwal na posibleng sangkot sa pagtulong kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas para takasan ang mga reklamong kinahaharap nito sa bansa, kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) at maging sa kaniyang tunay na pagkakakilanlan. Ayon kay… Continue reading Mga tumulong kay Mayor Alice Guo sa pagtakas sa bansa, binalaan ng PNP

Alias warrant of arrest kaugnay ng kasong human trafficking vs. Ptr. Apollo Quiboloy, inilabas ng Pasig City RTC

Isang alias warrant of arrest ang inilabas ng Regional Trial Court sa Pasig City laban sa puganteng lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy kaugnay sa kaso niyang human trafficking. Ito ang ibinalita ni Police-Davao Regional Director Nicolas Torre III sa Senate committee, ngayong Martes. Ang alias warrant of arrest… Continue reading Alias warrant of arrest kaugnay ng kasong human trafficking vs. Ptr. Apollo Quiboloy, inilabas ng Pasig City RTC

Anomalya sa training grants ng TESDA para sa mga magsasaka, pinaiimbestigahan sa Kongreso ng farmers group

Hiniling na ng Federation of Free Farmers sa Kongreso na imbestigahan ang umano’y anomalya sa training grants na ipinagkakaloob ng Technical   Education   and   Skills   Development Authority (TESDA) para sa mga magsasaka.  Ayon sa farmers group, ilang TESDA provincial personnel ang humihingi ng hanggang 30 percent na “under the table” advances mula sa mga farm school… Continue reading Anomalya sa training grants ng TESDA para sa mga magsasaka, pinaiimbestigahan sa Kongreso ng farmers group

AFP, naniniwalang hindi hahantong sa giyera ang tensyon sa WPS

Nagpahayag ng paniniwala si Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na hindi hahantong sa giyera ang nagaganap na tensyon sa West Philippine Sea (WPS). Ang pahayag ay ginawa ng opisyal kasunod ng huling insidente ng pangha-harass ng China, kung saan binangga ng dalawang Chinese Coast Guard Vessel ang… Continue reading AFP, naniniwalang hindi hahantong sa giyera ang tensyon sa WPS

Paghabol kay Mayor Alice Guo, hindi tatantanan ng pamahalaan

Hindi tatantanan ng pamahalaan ang paghahabol kay dating Bamban Mayor Alice Guo kahit nakalabas na ito ng bansa. Ito ang tiniyak ni Presidential Anti-organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston John Casio, kasabay ng pagkumpirma na nakalabas ng bansa si Guo base sa impormasyong nakalap ng PAOCC mula sa mga dayuhang immigration office. Ayon kay Casio… Continue reading Paghabol kay Mayor Alice Guo, hindi tatantanan ng pamahalaan

Manila Water, pinangunahan ang tree planting activities sa mga watersheds sa ilalim ng PASIBOL Program

Sabayang isinagawa ng Manila Water Foundation, Boracay Water at Laguna Water ang tree planting activity sa mga pangunahing Watershed sa Metro Manila, Cavite at Aklan sa Visayas. Ginawa ang tree planting sa ilalim ng PASIBOL Program na pangunahing layunin ay tiyakin ang seguridad sa tubig at pangangalaga sa kapaligiran. Sa Metro Manila, isinagawa ang tree… Continue reading Manila Water, pinangunahan ang tree planting activities sa mga watersheds sa ilalim ng PASIBOL Program

Pinalawig na immunization program, isinusulong ng party-list solon

Nanawagan ngayon si Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan para sa agarang pagpapatibay ng panukala na layong palawakin ang listahan ng libreng bakuna na maaaring ibigay sa mga Pilipino. Sa kaniyang House Bill 1092, isasama na sa listahan ng mga bakuna na sakop ng National Immunization Program ang pneumococcal conjugate vaccine, rotavirus, Japanese encephalitis, human… Continue reading Pinalawig na immunization program, isinusulong ng party-list solon

Pagrepaso sa food poor metrics, suportado ng NAPC

Pabor ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa plano ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ireview ang baselines, at ginagamit nitong metriko sa pagdetermina ng food thresholds gayundin ng food-poor individuals. Sa isang pahayag, sinabi ni NAPC Secretary Lope Santos III na napapanahon na para muling suriin ang mga target at sukat habang nakatuon sa 740,000… Continue reading Pagrepaso sa food poor metrics, suportado ng NAPC