Lider ng mga political party sa bansa, nagpulong bilang paghahanda sa 2025 midterm election

Nagpulong sa unang pagkakataon ang mga lider ng nangungunang political party sa bansa bilang paghahanda sa 2025 midterm elections. Sa ilalim ng pamumuno at gabay ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nagsama sama ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), at National Unity Party (NUP)… Continue reading Lider ng mga political party sa bansa, nagpulong bilang paghahanda sa 2025 midterm election

DOH, pinakakalma ang publiko sa Mpox

Tiniyak ng Department of Health na walang dapat ikabahala ang publiko kaugnay sa kumakalat na sakit na Mpox o Monkeypox.  Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, nagagamot ang Mpox at malayo sa pinangangambahan na COVID-19. Hindi rin daw dapat limitahan ang kilos ng publiko tulad ng mga community quarantine, paghihigpit sa mga boarders, pagsusuot ng… Continue reading DOH, pinakakalma ang publiko sa Mpox

11 baboy mula sa naharang na trak sa QC at Valenzuela noong weekend, positibo sa ASF

Kinumpirma ngayon ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nagpositibo sa African Swine Fever ang mga baboy na laman ng isa sa dalawang truck na naharang sa livestock checkpoints sa Quezon City at Valenzuela City nitong sabado. Ayon sa BAI, matapos ang pagsusuri, 11 baboy ang nakitaan na agad ng ASF infection bago pa isagawa… Continue reading 11 baboy mula sa naharang na trak sa QC at Valenzuela noong weekend, positibo sa ASF

Bilang ng mga barko ng China sa WPS, nadagdagan

Nadagdagan pa ang bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea. Sa ulat ng Armed Forces of the Philippine (AFP), may na-monitor na 129 na barko ng China sa WPS sa petsang August 13 hanggang August 19, 2024. Mas mataas ito kumpara sa 92 na bilang ng mga barko ng China na namataan… Continue reading Bilang ng mga barko ng China sa WPS, nadagdagan

DOJ, naniniwalang nasa Pilipinas pa rin si dating Mayor Alice Guo

Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na hindi pa nakakaalis ng Pilipinas ang dinismis na Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.  Ayon kay Justice Undersecretary Nicolas Felix Ty, walang indikasyon mula sa Bureau of Immigration na nakalabas ng bansa ang dating alkalde.  Bukod dito, naghain din daw ng kanyang counter affidavit noong Biyernes si Guo at… Continue reading DOJ, naniniwalang nasa Pilipinas pa rin si dating Mayor Alice Guo

Gen. Brawner, pinangalanang Honorary Navy Seal

Pinangalanan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. bilang isang honorary Navy Seal matapos lumahok sa espesyal na ehersisyong pandigma kahapon. Dito’y nagsanay si Gen. Brawner sa Basic Underwater Demolition/SEAL (BUDS) training sa Naval Special Operations Command (NAVSOCOM) headquarters sa Sangley Point, Cavite. Ang NAVSOCOM na tanyag sa… Continue reading Gen. Brawner, pinangalanang Honorary Navy Seal

BIR, nagbabala sa mga celebrity at influencer na nageendorso ng mga ipinagbabawal na vape products

Nagbabala ngayon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa lahat ng celebrities, at mga influencer na nageendorso ng mga ipinagbabawal na illicit vape products. Kasunod ito ng ikinasang raid ng BIR sa Philippine Vape Festival 2024 kung saan aabot sa 5,385 illicit vape products ang nasamsam. Hinimok ni BIR Comm. Lumagui ang mga celebrity at… Continue reading BIR, nagbabala sa mga celebrity at influencer na nageendorso ng mga ipinagbabawal na vape products

SC, gagamit na rin ng iba pang social media platforms para iparating sa publiko ang mga ginagawa ng mga Mahistrado

Dadalhin na rin ng Supreme Court sa iba pang social media platforms ang pamamaraan nila upang iparating sa publiko ang mga ginagawa ng mga Mahistrado. Ayon kay Supreme Court Communications Bureau Chief Atty. Mike Navallo, ilalabas nila ang mga vertical videos sa X na dating Twitter, IG o Instagram, Facebook, at Threads. Ang mga horizontal… Continue reading SC, gagamit na rin ng iba pang social media platforms para iparating sa publiko ang mga ginagawa ng mga Mahistrado

NMIS, pinaigting ang pag-iinspeksyon sa mga baboy sa harap ng banta ng ASF

Mas pinaigting pa ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang kanilang mga hakbang kasunod ng paglaganap ng African Swine Fever (ASF) sa Batangas. Ayon kay NMIS-NCR Regional Technical Director Dr. Jocelyn Salvador, makatutulong umano ito para maiwasang maipuslit papasok ng Metro Manila ang mga apektadong baboy. Kung saan bukod sa accreditation at registration, puspusan na… Continue reading NMIS, pinaigting ang pag-iinspeksyon sa mga baboy sa harap ng banta ng ASF

Pilipinas, nakatatanggap ng suporta mula sa iba’t ibang int’l space agencies

Nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang international space agencies sa bansa, mula ng mabuo ang Philippine Space Agency (PhilSA). Sa Malacañang Insider, sinabi ni PhilSA Director General Joel Marciano, Jr. ang mga ito pa ang lumalapit sa bansa, upang tanungin kung ano ang kanilang maitutulong. Kabilang sa mga bansang ito ang Japan, na malaki ang papel… Continue reading Pilipinas, nakatatanggap ng suporta mula sa iba’t ibang int’l space agencies