Langis na nakukuha sa lumubog na MT Terra Nova sa Bataan, umabot na sa 42,000 liters

Nakahigop na ng 42,000 liters ng langis ang contracted salvor na Harbor Star sa lumubog na MT Terra Nova sa Bataan matapos mailagay ang bagong booster pump kahapon. Ayon sa Philippine Coast Guard, mas mabilis ang ginagawang paghigop ng langis dahil sa mga karagdagang booster pump na inilalagay. Ang kasalukuyang Buster 4 mula sa International… Continue reading Langis na nakukuha sa lumubog na MT Terra Nova sa Bataan, umabot na sa 42,000 liters

Tinatayang 3,000 local executives, nakiisa sa kauna-unahang Local Governance Summit ng DILG

Aabot 3,000 mga local executives ang dumalo sa ikinasang Local Governance (LG) Summit 2024 ng Department of Interior and Local Government o DILG. Layon ng summit na paigtingin ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng mga local at national government officials. Ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, hangad ng summit na lalo… Continue reading Tinatayang 3,000 local executives, nakiisa sa kauna-unahang Local Governance Summit ng DILG

Security guard na nakapatay sa lider ng grupong kriminal, pinarangalan

Pinarangalan ng PNP Civil Security Group (CSG) ang isang security guard dahil sa kanyang ipinamalas na katapangan na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng kriminal na grupo sa Makati kamakailan. Sa seremonya sa Camp Crame, iginawad ni CSG Director PMGen. Edgar Alan Okubo sa guwardya ang medalya ng kadakilaan para sa kanyang dedikasyon sa pagbibigay… Continue reading Security guard na nakapatay sa lider ng grupong kriminal, pinarangalan

Police Assistance Desks, nakatalaga na sa mga istasyon ng MRT-3

Inanunsyo ng MRT-3 management na may mga nakatalaga nang Police outpost o Police Assistance Desk sa mga istasyon ng MRT-3 na maaaring lapitan ng mga pasahero para sa anumang security concern. Matatandaang nakipagpulong noong nakaraang linggo si Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino sa mga opisyal ng National… Continue reading Police Assistance Desks, nakatalaga na sa mga istasyon ng MRT-3

Pagtakas ni Alice Guo, insulto sa justice system ng bansa

Malaking insulto para kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na nagawang makalabas ng bansa ni Alice Guo. Aniya insulto rin ito sa justice system ng Pilipinas. Sinabi ng mambabatas, hindi dapat nawala sa paningin ng mga ahensya ng pamahalaan si Guo lalo at iniimbestigahan na ito. Kaya naman suportado niya ang pahayag ng… Continue reading Pagtakas ni Alice Guo, insulto sa justice system ng bansa

Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng mataas na antas ng asupre

Mahigpit pa ring binabantayan ng PHIVOLCS ang aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island. Kasunod ito ng naitalang patuloy na pagbuga ng mataas na lebel ng volcanic SO2 ng bulkan. Sa monitoring ng PHIVOLCS, umabot sa 6,720 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkang Kanlaon na pangalawang pinakamataas na sukat na naitala ngayong taon.… Continue reading Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng mataas na antas ng asupre

Las Piñas City, pinatunayan kung bakit sila ang may award winning nutrition program

Naghain ng masustansiyang pagkain ang pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa mga residente nito. Ayon sa Las Piñas LGU, partikular na binisita ng Kusina ng Las Piñas ang Aster Sampaguita, Barangay Almanza 2 para magpakain ng masustansiyang “Arrozcaldo with boiled egg” sa nasa 600 residente. Paliwanag ng lokal na pamahalaan na ang nasabing inisyatiba ay handog… Continue reading Las Piñas City, pinatunayan kung bakit sila ang may award winning nutrition program

Fogging ops vs. dengue ng Caloocan LGU, nagpapatuloy

Sa gitna ng tumataas na kaso ng dengue sa bansa, pinalawak pa ng Caloocan LGU ang hakbang nito para maiwasan ang sakit sa lungsod. Kabilang dito ang fogging operations sa iba’t ibang barangay sa Caloocan. Buong linggong nagsasagawa ngayon ang LGU ng fogging operations kung saan ang target ngayong araw ay ang mga Barangay 176,… Continue reading Fogging ops vs. dengue ng Caloocan LGU, nagpapatuloy

Dengue cases sa QC, tumaas ng 10%

Tumaas ang bilang ng mga residente ng Quezon City na tinamaan ng sakit na dengue. Ayon kay QC Epidemiology and Surveillance Department Chief Dr. Rolly Cruz, tumaas din ng 10% ang kaso ng dengue sa lungsod. Sa kabila nito, nanatili naman aniyang mababa ang dengue-related deaths. Ayon naman kay QC Mayor Joy Belmonte, posibleng may… Continue reading Dengue cases sa QC, tumaas ng 10%

3 komite ng Senado, magtutulong-tulong para imbestigahan ang paglabas ng bansa ni Alice Guo

Naatasan ang tatlong komite ng Senado na imbestigahan ang isyu ng paglabas ng bansa ni dismissed Mayor Alice Guo. Ito ay ang Senate Committee on Justice Human Rights ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, Senate Committee on Women ni Senador Risa Hontiveros, at ang Senate Committee on Public Services ni Senador Raffy Tulfo. Ayon kay… Continue reading 3 komite ng Senado, magtutulong-tulong para imbestigahan ang paglabas ng bansa ni Alice Guo