PNP, handang sagutin ang mga alegasyong pinakawalan ni PLtCol. Jovi Espenido na may kinalaman sa drug war

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na walang ipinatutupad na quota at reward system sa kanilang kampaniya kontra iligal na droga. Ito ang binigyang diin ng PNP bilang tugon sa mga pinakawalang akusasyon ni Police LtCol. Jovi Espenido nang humarap ito sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara. Ayon kay PNP Public Information Office Chief,… Continue reading PNP, handang sagutin ang mga alegasyong pinakawalan ni PLtCol. Jovi Espenido na may kinalaman sa drug war

PDEG, nagbabala sa pagkalat ng liquid shabu

Nagbabala ang Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) sa pagkalat ng liquid shabu ngayong panahon ng kapaskuhan Ito’y makaraang masabat ng mga tauhan ng PDEG ang anito’y bagong anyo ng shabu sa ikinasang operasyon sa Maynila kamakailan. Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PDEG Director, PBGen. Eleazar Matta, ‘di hamak na… Continue reading PDEG, nagbabala sa pagkalat ng liquid shabu

Bakunahan kontra ASF, sinimulan na sa Batangas

Umarangkada na ngayong August 30, 2024 ang bakunahan kontra African Swine Fever (ASF) sa Lobo, Batangas. Bago ang vaccine rollout, nagkaroon pa ng technical briefing ang Department of Agriculture sa pangunguna ni DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa at Asec. Dante Palabrica sa mga hog raiser sa lugar. Mahigpit ang naging bakunahan kung saan limitado… Continue reading Bakunahan kontra ASF, sinimulan na sa Batangas

Partial operations ng Metro Rail Transit (MRT) line 7, tuloy sa huling bahagi ng 2025

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na tuloy ang partial operations ng Metro Rail Transit (MRT) line 7 sa huling quarter ng taong 2025. Ito ang inihayag ni Transportation Sec. Jaime Bautista sa kabila ng naunang pahayag ng San Miguel Corporation (SMC) na siyang nangunguna sa konstruksyon nito na posibleng makumpleto ang buong linya sa… Continue reading Partial operations ng Metro Rail Transit (MRT) line 7, tuloy sa huling bahagi ng 2025

DENR, pinasalamatan si Pang. Marcos sa pagsasabatas ng Loss and Damage Fund Board Act

Nagpasalamat si DENR Sec. Maria Antonia Yulo Loyzaga kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsasabatas ng Loss and Damage Fund Board Act. Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na mahalag ang papel ng pagiging host ng Pilipinas sa Loss and Damage Board para mailatag ang mga kinakailangang resources para sa climate vulnerable developing countries.… Continue reading DENR, pinasalamatan si Pang. Marcos sa pagsasabatas ng Loss and Damage Fund Board Act

Voluntary contribution sa GSIS ng mga non-career service government employees, pasado na sa Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 10733 na mag aamyenda sa Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997. Sa ilalim nito, ang non-career service government employees ay maaari na makapag hulog ng voluntary contribution sa GSIS at makakuha ng retirement benefits. Kasama sa non-career service ang elective officials;… Continue reading Voluntary contribution sa GSIS ng mga non-career service government employees, pasado na sa Kamara

Halos ₱75-M halaga ng shabu, nasabat ng PNP Drug Enforcement Group sa ikinasang buy-bust ops sa Maynila

Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) ang dalawang drug suspek habang nasabat naman ang aabot sa halos ₱75 milyong halaga ng hinihinalang shabu. Ito’y sa ikinasang drug buy-bust operations ng PDEG sa Brgy. 676 sa Ermita, lungsod ng Maynila kagabi. Sa ulat na ipinarating kay PDEG Director, Police… Continue reading Halos ₱75-M halaga ng shabu, nasabat ng PNP Drug Enforcement Group sa ikinasang buy-bust ops sa Maynila

Language training and tutorial facility sa Cavite, isinara ng DMW dahil sa illegal recruitment

Kinandado ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Volant Academy for Language Excellence, Inc. na isang language training and tutorial facility sa Silang, Cavite. Ito’, ayon sa DMW, ay dahil sa pagkakasangkot ng naturang training center sa illegal recruitment. Ayon kay DMW Asistant Secretary Francis Ron de Guzman, naniningil umano ang Volant Academy ng ₱500,000… Continue reading Language training and tutorial facility sa Cavite, isinara ng DMW dahil sa illegal recruitment

Transpo panel ng Kamara, pinapabasura ang multa sa mga RFID violators

Isang resolusyon ang binabalangkas ng House Committee on Transportation sa pamumuno ni Antipolo City Representative Romeo Acop para ibasura ang implimentasyon ng Joint Memorandum Circular (JMC) na magpapataw ng parusa sa mga motorista na may insufficient o zero load balance sa radio frequency identification devices (RFID). Pinuna ng komite ang pag-apruba sa JMC 2024-001 o… Continue reading Transpo panel ng Kamara, pinapabasura ang multa sa mga RFID violators

Bilang ng mga nahahawaan ng kasong Pertussis, bumababa na — DOH 

Dumating na ang 500,000 dosage ng bakuna na binili ng Department of Health (DOH) laban sa sakit na Pertussis o ubong-dalahit.  Ayon kay Health Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo, nasa cold storage na ng DOH ang nasabing bakuna at inihahanda na lamang ang mga kaukulang dokumento upang maipamahagi na ito sa mga Health Centers. … Continue reading Bilang ng mga nahahawaan ng kasong Pertussis, bumababa na — DOH