Sinuguro ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. na walang kaso ng MPox sa kanilang mga PDLs at sa mismong loob ng kanilang mga kulungan.
Ayon kay catapang, mahigpit ang ginagawa nilang screening pagdating sa mga Persons Deprived with Liberty, gayundin sa tuwing may mga dalaw ang mga ito.
Aniya, nakaalerto din ang kanilang hanay sa tuwing may sakit ang mga PDLs para maiwasan ang pag kalat nito
Dagdag pa ng heneral na malaking tulong din ang pagluwag ng kanilang mga kulungan at higit sa lahat ay isolated naman anila sila lalo na ang mga PDLs kaya mababa ang tsansa na magkaroon ng MPox sa New Bilibid Prison. | ulat ni Lorenz Tanjoco