Kinuwestiyon ng mga senador ang Bureau of Immigration (BI) tungkol sa tila huli na nilang pagpapaalam sa Department of Justice (DOJ) ng impormasyon na nakalabas na ng Pilipinas sina Alice Guo.
sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Justice, binahagi ni BI commissioner Norman Tangsingco noong August 15 ay nalaman na nila mula PNP intelligence group na nakalabas na ng bansa sina Guo.
Sinabi ni Tansingco na agad silang nagsagawa ng validation sa impormasyon na ito at noong August 19-20 nila nakuha ang kumpirmasyon.
Matapos nito, noon ngang August 20 ay pinaalam na nila sa DOJ at sa Office of the Executive Secretary ang impormasyon.
Kinumpirma naman ng PNP na noong August 14 ay nakuha ng PNP Intelligence Group Foreign Laiason Division ang first information na nag book sina Guo ng flight mula Singapore patungong Pilipinas.
Nakipag-ugnayan aniya sila sa kanilang foreign attache counterparts para makumpirma ang impormasyon at nalaman nilang hindi natuloy ang pagbalik ng Pilipinas nina Guo at sa halip ay pumunta sila ng Indonesia.
Sa pagtatanong ng mga senador, pare-parehong sinabi ng NBI, PAOCC at DOJ na nalaman nila ang impormasyon na nakalabas ng bansa si Guo mula sa naging privilege speech ni Senadora Hontiveros noong August 19.
Binigyang diin naman ni Hontiveros ang kahalagahan ng maagap at napapanahong koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno.| ulat ni Nimfa Asuncion