Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng pag-aangkat ng sibuyas sa bansa partikular ang yellow onion o puting sibuyas.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, magmumula sa Bureau of Plant Industry (BPI) ang rekomendasyong ito na aaprubahan ni Secretary Francisco Tiu-Laurel.
Aminado naman si Asec. De Mesa na may kakapusan na ngayon ng yellow onion.
Paliwanag nito, kung mag-aangkat ng sibuyas, ito ay para masigurong may sapat na suplay sa merkado na para sa household gayundin sa industry consumption.
Nananatili naman aniyang sapat pa ang suplay ngayon ng pulang sibuyas sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa