Higit 100 QC vendors, nagtapos ng Vendor Business School Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa kabuuang 108 vendors sa Quezon City ang nakatapos sa kauna-unahang Vendor Business School (VBS) program sa bansa, na nagbigay sa kanila ng mahahalagang kasanayan sa negosyo upang mapabuti ang kanilang kabuhayan.

Naisakatuparan ang proyektong its sa pakikipagtulungan ng QC LGU sa CGIAR Resilient Cities Initiative.

Sa ilalim nito, sumalang sa 10-linggong VBS program ang mga vendor kung saan sila tinuruan ng iba’t ibang paksa kabilang ang food safety, customer relations, leadership, climate change adaptation, at pag-angat ng kanilang sales.

Karamihan ng mga nakilahok na vendors sa programa ay mula sa mga palengke at temporary vending sites (TVS) sa lungsod.

Kasunod nito, inanunsyo ni Mayor Joy Belmonte na 103 graduates ang pasok na sa Pangkabuhayang QC (PBQC) Program ng lungosd na magbibigay ng capital assistance para mapalago pa ang kanilang negosyo.

“Hangad ko ang inyong tagumpay at umaasa na magagamit ninyo ang nakuha niyong kaalaman para lalo pang mapalago ang inyong negosyo,” ani Mayor Belmonte. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: QC LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us