Matapos ang insidente kung saan sangkot ang 2 PDL at 2 correction officers sa ilIgal na aktibidad, ipinag-utos na ni BuCor DG Gregorio Pio Catapang Jr. na magsasagawa na sila ng regular na rotation para sa mga tauhan nito na naka assigned sa mga PDLs.
Ayon kay Catapang, kada labing limang araw ay kinakailangang palitan ang lahat ng correctional officer na magkakaroon ng anomang contact sa mga PDLS.
Paliwanag nag heneral na layon nitong maiwasan ang familiarity o magkapalagayan ng loob ang mga naturang indibidwal.
Dagdag ni Catapang na panahon na para tuldukan ang undue familiarity sa mga BuCor personnel at mga PDL personnel sa kasong iligal na droga at murder kasama ang mga PDLs. | ulat ni Lorenz Tanjoco