DepEd, minabuting hindi na humingi ng confidential funds sa 2025 para iwas kontrobersya

Naniniwala ang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) na si Secretary Sonny Angara na hindi na humingi ng confidential fund ang nakaraang DepEd officials para iwas kontrobersiya. Punto niya, hindi naman rin ipinilit ng dating administrasyon ng DepEd ang confidential funds sa kanilang 2024 budget kaya hindi na rin nanghingi para sa susunod na… Continue reading DepEd, minabuting hindi na humingi ng confidential funds sa 2025 para iwas kontrobersya

Marikina solon, tiniyak na nakahanda ang lungsod para tumugon sa epekto ng bagyong Enteng

Siniguro ni Markina 1st District Representative Maan Teodoro na nakatutok ang pamahalaang lungsod sa sitwasyon sa lungsod sa gitna ng pananalasa ng bagyong Enteng. Ayon kay Teodoro, naka-deploy na ang mga rescue team para sa mga nangangailangan ng evacuation. Giit pa niya, na lahat ng kawani ng Marikina Local Government ay nasa heightened alert. Prayoridad… Continue reading Marikina solon, tiniyak na nakahanda ang lungsod para tumugon sa epekto ng bagyong Enteng

DSWD, nag-deploy ng mobile command center sa Camarines Sur

Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development

Nag-deploy na ng mobile command center ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 5 sa Naga City, Camarines Sur sa gitna ng pananalasa ng bagyong Enteng. Ayon sa DSWD, gagamitin ang command center para sa monitoring at makapagbigay ng communication lines bilang bahagi ng disaster response sa lalawigan. Dahil dito, inaasahan na… Continue reading DSWD, nag-deploy ng mobile command center sa Camarines Sur

Pangulong Marcos, hinikayat ang Presidential Airlift Wing na huwag tumigil sa pagpapaigting ng kanilang hanay

Photo courtesy of Presidential Communications Office

Makakaasa ang hanay ng 250th Presidential Airlift Wing ng buo at patuloy na suporta mula sa Marcos Administration para sa pagpapaigting ng kanilang hanay, kapakanan, at kalusugan upang mas magampanan pa nila ang kanilang tungkulin. Ito ang ipinangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa selebrasyon ng ika-56 na founding anniversary ng PAW o Bluebirds.… Continue reading Pangulong Marcos, hinikayat ang Presidential Airlift Wing na huwag tumigil sa pagpapaigting ng kanilang hanay

Higit 600 pamilya sa Quezon City, inilikas dahil sa mga pagbaha dulot ng bagyong Enteng at Habagat

Photo courtesy of Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council

Umabot na sa 642 pamilya o katumbas ng 2,268 indibidwal ang inilikas sa Quezon City sa gitna ng patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Enteng at Habagat. Pinakamaraming nailikas ay mula sa Barangay Bagong Silangan na aabot na sa 284 na pamilya o 1,041 indibidwal. Sunod ang Barangay Roxas na may 128 pamilya o 302… Continue reading Higit 600 pamilya sa Quezon City, inilikas dahil sa mga pagbaha dulot ng bagyong Enteng at Habagat

Mahigit 5,000 pulis tumutulong sa HADR operations sa mga nasalantang lugar

Photo courtesy of Philippine National Police PIO

Kasalukuyang tumutulong sa Humanitarian and Disaster Relief Operations (HADR) ang 5,234 na pulis sa iba’t ibang lugar na apektado ng bagyong Enteng at Habagat. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo karamihan sa bilang na ito ang naka-deploy sa mga evacuation center sa Region 4A, Bicol at National Capital Region (NCR).… Continue reading Mahigit 5,000 pulis tumutulong sa HADR operations sa mga nasalantang lugar

Tubig sa La Mesa Dam, umabot na sa higit 80 meters

Umangat na ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa gitna ng patuloy na pag-ulan ngayong araw. Hanggang alas-3 ngayong hapon nasa 80.03 meters na ang antas ng tubig sa dam mula sa 79.51 meters kaninang alas-8 ng umaga. Inaasahang mag-over flow ang tubig sa dam sa sandaling maabot nito ang 80.15 meters kapag… Continue reading Tubig sa La Mesa Dam, umabot na sa higit 80 meters

6 ang nasawi, 1 ang nawawala dahil sa epekto ng bagyong Enteng sa Antipolo City – Antipolo CDRRMO

Anim ang ang kumpirmadong patay dahil sa epekto ng habagat na pinaigting ng bagyong Enteng sa Antipolo City. Sa isang panayam kay Antipolo City PIO Relly Bonifacio, sinabi nitong dahil sa malakas na buhos ng ulan lumabot ang lupa nagkaroon ng landslide sa Sitio Hinapao, Antipolo City na naging dahilan upang matabunan ang ilang kabahayan.… Continue reading 6 ang nasawi, 1 ang nawawala dahil sa epekto ng bagyong Enteng sa Antipolo City – Antipolo CDRRMO

DepEd, pinaghahandaan na ang nakatakdang PISA Examination sa Marso ng susunod na taon

Mula Oktubre hanggang Disyembre ay magsasagawa ng learning sessions ang Department of Education (DepEd) para sa may 1.6 million na mag-aaral sa public schools edad 15, bilang paghahanda sa papalapit na 2025 PISA Assessment. Pagsapit naman ng Enero 2025, pipili ang OECD-Pisa ng nasa 150 mahigit na pampublikong paaralan na pagkakalooban ng kinakailangan ICT equipment.… Continue reading DepEd, pinaghahandaan na ang nakatakdang PISA Examination sa Marso ng susunod na taon

Ilang lugar sa Antipolo at Cainta, Rizal, nakararanas ng power service interruption dahil sa bagyong Enteng

Nakararanas ng emergency outages o pagkawala ng supply ng kuryente ang ilang lugar sa Antipolo at Cainta, Rizal ngayong hapon. Sa abiso ng Manila Electric Company (Meralco), ito ay dahil sa emergency line trouble na naitala kaninang pasado alas-9 ng umaga dahil sa bagyong Enteng. Kabilang sa mga apektadong lugar ang Barangay Dela Paz, Mambugan,… Continue reading Ilang lugar sa Antipolo at Cainta, Rizal, nakararanas ng power service interruption dahil sa bagyong Enteng