Search and rescue teams ng PNP, naka-alerto sa Metro Manila

Naka-alerto ang 597 tauhan ng Search, Rescue and Retrieval Teams ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para rumesponde sa anumang kaganapan sa Metro Manila na dulot ng Bagyong Enteng. Ito ang tiniyak ni NCRPO Regional Director Police Maj. General Jose Melencio Nartatez Jr. kasabay ng pagsabi na kasalukuyang naka-deploy ang mahigit 400 pulis sa… Continue reading Search and rescue teams ng PNP, naka-alerto sa Metro Manila

28 indibidwal, inilikas sa Valenzuela bunsod ng Bagyong Enteng

Iniulat ng Valenzuela LGU na aabot sa walong pamilya o katumbas ng 28 na indibidwal ang kinailangang ilikas sa lungsod dahil sa walang patid na ulang dala ng Bagyong Enteng. As of 9am, mayroong dalawang evacuation center ang binuksan ng LGU. Kabilang dito ang Northville 2 Covered Court, Brgy. Bignay na pansamantalang tinutuluyan ng 17… Continue reading 28 indibidwal, inilikas sa Valenzuela bunsod ng Bagyong Enteng

2 patay at 10 sugatan na iniulat dahil sa bagyo, bineperipka ng NDRRMC

Bineberipika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang dalawang iniulat na nasawi at 10 sugatan dahil sa epekto ng bagyong Enteng at Habagat. Sa 8am update ng ahensya, pawang mula sa Region 7 ang mga nabanggit na biktima. Dalawang straktura din ang iniulat na nag-“collapse” at isang landslide ang naganap dahil sa matinding… Continue reading 2 patay at 10 sugatan na iniulat dahil sa bagyo, bineperipka ng NDRRMC

PNP, bumuo ng ‘review panel’ para siyasatin ang mga alegasyon ni PLt.Col. Jovie Espenido sa kampanya vs iligal na droga

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGeneral Rommel Francisco Marbil ang pagbuo ng isang “review panel” na siyang mag-iimbestiga sa mga paratang ni Police Lt. Col. Jovie Espenido. Ito’y makaraang ibunyag ni Espenido ang umano’y “quota” at “reward” system sa hanay ng Pambansang Pulisya na may kaugnayan sa kampanya kontra iligal na droga na… Continue reading PNP, bumuo ng ‘review panel’ para siyasatin ang mga alegasyon ni PLt.Col. Jovie Espenido sa kampanya vs iligal na droga

Transmission lines ng NGCP, nananatiling normal sa kabila ng mga pag-ulang dala ng bagyong Enteng

Wala pang naitalang pinsala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa transmission lines at mga pasilidad nito sa bansa. Ito ay sa kabila ng mga pag-ulang dulot ng bagyong Enteng. As of 9am, wala pang natatanggap na ulat ang NGCP na may naitalang pinsala sa kanilang mga pasilidad. Gayunman, nananatiling nakaalerto ng kumpanya… Continue reading Transmission lines ng NGCP, nananatiling normal sa kabila ng mga pag-ulang dala ng bagyong Enteng

30 evacuation centers sa Marikina City, binuksan na

Binuksan na ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang nasa 30 evacuation centers nito. Kasunod iyan ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa Marikina river na nagresulta sa pagbaha na sa ilang lugar sa lungsod. Kabilang sa mga binuksan ay ang Malanday Elementary School, Nangka Elementary School at H. Bautista Elementary School at H.… Continue reading 30 evacuation centers sa Marikina City, binuksan na

QuadComm, may huling warning para kay dating PCSO GM Royina Garma na dumalo sa kanilang pagdinig

Pinaalalahanan ni House Quad Committee Lead Chair Robert Ace Barbers si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma na dumalo sa susunod na hearing ng komite. Ayon kay Barbers ito na ang huling warning nila kay Garma, na isa ring dating pulis, na dumalo sa kanilang pagdinig o maaaring maharap sa pag-aresto.… Continue reading QuadComm, may huling warning para kay dating PCSO GM Royina Garma na dumalo sa kanilang pagdinig

Warehouse sa Marikina City, nasunog

Sumiklab ang sunog sa isang warehouse sa bahagi ng E. Dela Paz st. Brgy. Sta. Elena sa Marikina City ngayong umaga. Ito’y sa kabila ng nararanasang pag-ulan at pagbugso ng hanging dala ng hanging Habagat na pinaigting pa ng bagyong Enteng. Batay sa inisiyal na ulat ng Marikina BFP, nagsimula ang sunog dakong mag-aalas 8… Continue reading Warehouse sa Marikina City, nasunog

Coding sa Makati City, nananatiling epektibo

Hindi kanselado o nananatiling epektibo ang Number Coding sa Lungsod ng Makati. Base sa anunsyo ng pamahalaang lungsod inaabisuhan nito ang mga motorista na ipinapatupad pa rin sa kanilang mga kalsada ang Number Coding ngayong araw, September 2, 2024. Ito ay sa kabila ng patuloy na pagbayo ng bagyong Enteng sa bansa at sa ginawang… Continue reading Coding sa Makati City, nananatiling epektibo

Las Piñas LGU, kinansela na ang gov’t work sa kanilang lungsod

Kanselado na ang pasok sa government offices sa lungsod ng Las Piñas. Ayon sa anunsyo ng Las Piñas LGU, ito ay bunsod pa rin ng nararanasang hagupit ng bagyong Enteng. Sa kaugnay na balita nanatiling passable sa lahat ng uri ng sasakyan ang mga pangunahing kalsada sa lungsod base na rin sa huling pagtaya ng… Continue reading Las Piñas LGU, kinansela na ang gov’t work sa kanilang lungsod