Bagyong Enteng, walang naitalang pinsala sa mga paliparan sa buong bansa ayon sa CAAP

Nanatiling bukas at walang pinsalang natamo ang anumang CAAP operated airport sa bansa sa kabila ng pagbayo ng bagyong Enteng. Subalit para sa kaligtasan ng lahat, muling ipinaalala ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang Memorandum Circular 013-2023, na inisyu ni CAAP Director General Capt. Manuel Antonio L. Tamayo. Base… Continue reading Bagyong Enteng, walang naitalang pinsala sa mga paliparan sa buong bansa ayon sa CAAP

US tourist, arestado sa NAIA dahil sa iligal na droga

Hindi nakalusot sa mga tauhan na PNP aviation security group ang isang papaalis na turista matapos makitaan na may dalang controlled substance o cannabinoid. Ayon sa PNP AVSEGROUP, nakita nila sa kanilang isinagawang routinary security check ang x-ray image ng isang security restricted image sa loob ng bagahe ng pasahero. Dahil dito ay sinundan ito… Continue reading US tourist, arestado sa NAIA dahil sa iligal na droga

DMW: Iba pang Pilipino na naapektuhan ng crackdown operation sa Laos, nakatakda na ring umuwi ng Pilipinas

Tiniyak ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nakatakda na ring umuwi sa Pilipinas ang iba pang mga Pilipinong biktima ng human trafficking sa Laos. Ayon kay Secretary Cacdac, inaayos na rin nila ang flight pauwi sa Pilipinas ng naturang mga Pilipino. Ang naturang mga Pilipino ay unang nasagip mula sa pinapasukan nilang illegal… Continue reading DMW: Iba pang Pilipino na naapektuhan ng crackdown operation sa Laos, nakatakda na ring umuwi ng Pilipinas

7 PDEA Agents sa Region 3, sinibak sa pwesto dahil sa pagdukot sa isang Chinese National

Pitong tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Pampanga ang sinibak sa pwesto dahil sa reklamo ng kidnap for ransom. Bukod sa kasong kidnapping, nahaharap din sa patung-patong na kasong serious illegal detention at robbery ang pitong PDEA personnel, at ilan pang John Does. Nag-ugat ang kaso matapos magreklamo sa PNP Anti-Kidnapping Group ang… Continue reading 7 PDEA Agents sa Region 3, sinibak sa pwesto dahil sa pagdukot sa isang Chinese National

Tulong para sa OFWs, mas pinaigting sa ilalim ng Bagong Pilipinas – DMW

Tuloy-tuloy ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pagpapatupad ng mga programa na susuporta sa mga overseas Filipino worker (OFW). Sa ginanap na “Kapihan sa Bagong Pilipinas” sa tanggapan ng DMW sa Mandaluyong City, ibinahagi nina DMW Secretary Hans Leo Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio ang iba’t ibang tulong na… Continue reading Tulong para sa OFWs, mas pinaigting sa ilalim ng Bagong Pilipinas – DMW

Naungkat na iregularidad sa bidding ng DepEd sa P1.6-B na halaga ng laptop, pinaiimbestigahan

Hiniling ngayon ng isa sa miyembro ng Young Guns na si AKO Bicol Party-list Representative Jil Bongalo na masilip ang naungkat na iregularidad sa bidding process ng Department of Education (DepEd) para sa pagbili ng laptop at iba pang electronic device sa ilalim ng Computerization Program. Ani Bongalon, posibleng “rigged” ang ginawang bidding para sa… Continue reading Naungkat na iregularidad sa bidding ng DepEd sa P1.6-B na halaga ng laptop, pinaiimbestigahan

Mga evacuee sa Cainta at Antipolo City, hinatiran na ng tulong ng DSWD

Walang patid na ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga sinalanta ng bagyong Enteng at Habagat. Sa ulat ng DSWD Field Office-CALABARZON, may 198 pamilya o 857 indibidwal sa Kabisig Elementary School sa Barangay San Andres sa Cainta, Rizal ang hinatiran ng family food packs ngayong araw. Ang… Continue reading Mga evacuee sa Cainta at Antipolo City, hinatiran na ng tulong ng DSWD

3 preso, nakatakas mula sa Fish port Custodial Facility sa Taytay, Rizal

Kinumpirma ng Taytay Municipal Police Station na tatlong preso ang nakatakas mula sa Fish port Custodial Facility sa Taytay, Rizal. Natuklasan ang kanilang pagtakas kaninang alas-4:45 ng umaga. Ayon sa Taytay Municipal Police Station, nagtulung-tulong ang tatlong preso sa pagsira sa metal frame ng kusina ng kanilang piitan. Kinilala ang mga nakatakas na sina Danny… Continue reading 3 preso, nakatakas mula sa Fish port Custodial Facility sa Taytay, Rizal

Sama ng panahon, sinamantala ng 3 preso sa Taytay, Rizal para makatakas

Nakatakas ang tatlong preso mula sa Fishport Custodial Facility sa Samagta Floodway Brgy. San Juan Taytay Rizal, kaninang madaling araw. Sa ulat ng Taytay Municipal Police station na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang 3 pugante na sina: Danny Boy Cancuno at Ronald Barrera na kapwa nakakulong dahil sa ilegal na droga, at si Kurt… Continue reading Sama ng panahon, sinamantala ng 3 preso sa Taytay, Rizal para makatakas

GSIS, tiniyak ang tulong sa mga miyembro nito na biktima ng bagyong Enteng

Sinigurado ng Government Service Insurance System na nakahanda ang kanilang ahensya na magbigay tulong para sa kànilang miyembro na nasalanta ng bagyong Enteng. Ayon kay GSIS President ang General Manager, Wick Veloso, handa nilang buksan ang kanilang emergency loan at iba pang serbisyo para makapagbigay ng tulong sa kanilang mga miyembro. Paliwanag Veloso, sa oras… Continue reading GSIS, tiniyak ang tulong sa mga miyembro nito na biktima ng bagyong Enteng