2 puganteng Korean national, huli sa BI-NAIA

Pinauwi ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport ang 2 South Koreans na wanted sa kanilang bansa dahil sa mga kasong electronic financial fraud. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang mga suspect ay sina Kwon Hyuckkeun, 41, at You Hyun Tea, 53, na pawang idineport sa Incheon, South Korea… Continue reading 2 puganteng Korean national, huli sa BI-NAIA

Pag repaso sa procurement process ng DEPED, isinasagawa

Nagpapatupad na ngayon ng early procurement ang DEPED sa ilalim ng pamumuno ng bagong kalihim na si Sec. Sonny Angara. Sa budget hearing sa Kamara, ipinunto ni Angara na ito ay para maiwasang maulit ang delay sa delivery ng mga kinakailangang kagamitan sa mga eskuwelahan gaya na lang ng laptop. Isa kasi sa mga napuna… Continue reading Pag repaso sa procurement process ng DEPED, isinasagawa

Sabina Shoal at Pag-asa Island, pinalibutan ng mga barko ng China

Halos palibutan na ng mga barko ng China ang Pag-asa islands at Sabina shoal sa West Philippine Sea, sa paglobo ng bilang ng mga ito sa nakalipas na Linggo. Sa huling datos na inilabas ng Philippine Navy, 71 barko ng China na binubuo ng 53 Chinese Maritime Militia Vessel (CMMV), 9 na People’s Liberation Army… Continue reading Sabina Shoal at Pag-asa Island, pinalibutan ng mga barko ng China

BGen. Torre kay Quiboloy: ang Anak ng Diyos nagpapako sa krus, hindi nagtago

Muling hinamon ni Police Regional Office 11 Regional Director Police Brig. General Nicolas Torre si Pastor Apollo Quiboloy na sumuko nalang at harapin sa Korte ang kanyang mga kaso. Ayon kay Torre, dapat ay sumuko nalang si Quiboloy dahil ang anak ng Diyos ay hindi nagtago at nagpapako sa krus. Ang pahayag ay ginawa ni… Continue reading BGen. Torre kay Quiboloy: ang Anak ng Diyos nagpapako sa krus, hindi nagtago

Iniulat na nasawi sa Bagyong Enteng, umakyat sa 10

Umakyat sa 10 ang inulat na nasawi dahil sa Bagyong Enteng. Sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 7 sa mga iniulat na nasawi ay sa Calabarzon, dalawa sa Region 7, at isa sa Region 6; habang 10 naman ang iniulat na sugatan sa Region 7. Nasa 37,867… Continue reading Iniulat na nasawi sa Bagyong Enteng, umakyat sa 10

DSWD, nakapaglaan na ng P16-M assistance sa mga apektado ng Bagyong Enteng

Aabot na sa higit P16 milyon ang halaga ng humanitarian assistance ang naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Enteng at habagat. Kabilang dito ang mga ipinamahaging family food packs bilang augmentation sa mga apektadong LGUs. Kaugnay nito, umakyat pa sa higit 80,000 pamilya o 303,938… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng P16-M assistance sa mga apektado ng Bagyong Enteng

Halos 42,000 indibidwal sa Metro Manila, apektado ng bagyong Enteng

Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng halos 10,000 pamilya o 41,998 indibidwal na apektado ng Bagyong Enteng sa NCR. Ayon sa DSWD-NCR, nasa 60 barangay ang naapektuhan ng kalamidad mula sa Caloocan, Las Pinas, Malabon, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasig, Taguig, Quezon, San Juan, at Valenzuela City. Mayroon din… Continue reading Halos 42,000 indibidwal sa Metro Manila, apektado ng bagyong Enteng

Mga residente Catanduanes, pinag-iingat ng NDRRMC kasunod ng isinagawang rocket launch ng China

Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga taga- Panay Island, Catanduanes. Ito’y ayon sa NDRRMC ay kasunod inilunsad na rocket launch ng China sa pagitan ng alas-9 hanggang alas-10 kaninang umaga sa bahagi ng Panay Island at Philippine Rise. Dahil dito, inaatasan ang Philippine Coast Guard (PCG) Bureau of Fisheries… Continue reading Mga residente Catanduanes, pinag-iingat ng NDRRMC kasunod ng isinagawang rocket launch ng China

Phil. Army units at reservists, tumulong sa pagligtas ng mga biktima ng bagyo

Mabilis na rumesponde ang iba’t ibang Philippine Army unit at reservists para tulungan ang mga biktima ng pagbaha na dulot ng bagyong “Enteng” sa iba’t ibang apektadong lugar. Tumulong ang Disaster response team mula sa 16th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division sa paglikas ng mga residenteng apektado ng “Enteng” sa Labo, Camarines Norte. Habang… Continue reading Phil. Army units at reservists, tumulong sa pagligtas ng mga biktima ng bagyo

Search and Rescue ops sa 4 na indibidwal na napaulat na nawawala matapos anurin ang bahay sa Antipolo City, isinagawa

Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Antipolo ang paghahanap sa apat na napaulat na nawawala matapos anurin ang kanilang bahay sa Sitio Banaba sa Brgy. San Luis. Bukod pa ito sa pitong napaulat na nasawi kung saan, apat dito ay dulot ng landslide, habang tatlo naman ang nalunod sa kasagsagan ng bagyong Enteng at habagat.… Continue reading Search and Rescue ops sa 4 na indibidwal na napaulat na nawawala matapos anurin ang bahay sa Antipolo City, isinagawa