Operasyon sa KOJC compound sa Davao City, malapit nang magtapos ayon sa PNP

Nalalapit na ang pagwawakas ng operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City. Ito ang pagtitiyak ni Police Regional Office 11 Director, PBGen. Nicolas Torre III makaraang kumpirmahin nito na natunton na nila ang eksaktong kinaroroonan ni KOJC Founder Pastor Apollo Quiboloy. Gayunman, aminado si Torre… Continue reading Operasyon sa KOJC compound sa Davao City, malapit nang magtapos ayon sa PNP

Pag-papauwi kay dating Bamban Mayor Alice Guo, ikinakasa na ng PNP

Isinasaayos na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapa-uwi kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ito’y ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo makaraang kumpirmahin nito ang pagkakaaresto kay Guo alas-11:30 kagabi sa Jakarta, Indonesia. Ayon kay Fajardo, ang pagkakaaresto kay Guo ay bunga ng pinaigting na ugnayan ng PNP at… Continue reading Pag-papauwi kay dating Bamban Mayor Alice Guo, ikinakasa na ng PNP

Rizal solons, nagpasalamat sa mga nagpaabot ng donasyon para sa mga kababayang sinalanta ng bagyong Enteng

Malaki ang pasasalamat ng mga kongresista mula Rizal sa pagbuhos ng tulong para sa kanilang mga kababayang nasalanta ng bagyong Enteng. Si Rizal 3rd district Rep. Jojo Garcia nagpasalamat kay PAGCOR Chair Al Tengco at DSWD Sec. Rex Gatchalian sa mabilis napagtugon sa pangangailangan ng mga lumikas na residente. Maliban sa food packs nabigyan din… Continue reading Rizal solons, nagpasalamat sa mga nagpaabot ng donasyon para sa mga kababayang sinalanta ng bagyong Enteng

DOH, nag-inspeksyon sa mga barbershop at spa sa Quezon City

Sorpresang nag-inspeksyon si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa mga barbershop at spa sa Quezon City. Ito ay bahagi ng kanilang pagbibigay ng tamang impormasyon kung papaano maiwasan ang pagkalat ng monkeypox (mpox) sa mga nabanggit na establisimyento. Kasama ni Herbosa ang mga kinatawan ng City Health Department ng lungsod nang magsagawa ng… Continue reading DOH, nag-inspeksyon sa mga barbershop at spa sa Quezon City

DA, may naitala nang P350-M pinsala sa agri sector kasunod ng hagupit ng bagyong Enteng

Aabot na sa P350-milyon ang inisyal na halaga ng pinsalang natamo ng agri sector kasunod ng pananalasa ng Bagyong Enteng. Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), mayroong 8,893 na ektarya ng sakahan ang naapektuhan sa Bicol region. Katumbas ito ng 13,623 na apektadong magsasala at production loss na 14,814MT. Mula sa mga sakahan… Continue reading DA, may naitala nang P350-M pinsala sa agri sector kasunod ng hagupit ng bagyong Enteng

QuadComm Lead Chair, pinuri ang pagkakahuli kay Alice Guo

Walang makakapagtago sa batas. Ito ang binigyang-diin ni Quad Committee Lead Chair Robert Ace Barbers matapos mahuli si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Aniya, malaking bagay ang maayos na koordinasyon at palitan ng impormasyon sa pagitan ng mga awtoridad ng Pilipinas at ibang bansa partikular ang Indonesia kung saan nahuli si Guo. “Well all… Continue reading QuadComm Lead Chair, pinuri ang pagkakahuli kay Alice Guo

NBI, naglatag na ng security plan para sa pagdating sa bansa ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo

May nakahanda nang security measures ang National Bureau of Investigation o NBI para sa ligtas na pagbabalik bansa ni Dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo. Kasunod ito ng pagkakaaresto sa nasibak na alkalde ng mga operatiba ng Indonesian Government. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, matagal na nilang pinaghahandaan ang mga gagawing security plan sa… Continue reading NBI, naglatag na ng security plan para sa pagdating sa bansa ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo

PITX, wala nang naitalang kanselasyon ng byahe sa kanilang terminal

Maayos ang kasalukuyang tinatakbo ng mga byahe sa Paranaque Integrated Terminal Exchange. Ito ay sa kabila ng nagpapatuloy na sama ng panahon dahil naman sa hagupit ng habagat. Ayon kay Kolyn Calbasa, ang Corporate Communications Officer ng PITX, wala pa silang naitatala o namomonitor na kanselasyon ng byahe ng bus sa kanilang terminal magpa hanggang… Continue reading PITX, wala nang naitalang kanselasyon ng byahe sa kanilang terminal

Pasok sa paaralan sa mahigit 600 munisipyo at siyudad, nananatiling suspendido dahil sa sama ng panahon

Nananatiling suspendido ang klase sa paaralan sa 659 munisiypo at syudad sa Region 1, 2, 3, Calabarzon, Region 5, 6, Cordilllera Administrative Region (CAR), at National Capital Region (NCR). Ito’y sa gitna ng naranasang epekto ng bagyong Enteng at Habagat. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga paaralang suspendido… Continue reading Pasok sa paaralan sa mahigit 600 munisipyo at siyudad, nananatiling suspendido dahil sa sama ng panahon

Japan Ground Self Defense Force at Phil. Army, magtutulungan sa HADR sa Legazpi, Albay

Magsasagawa ng Humanitarian and Disaster Response (HADR) activity ang mga team ng 525th Combat Engineer “Forerunner” Battalion (525CEBn) ng Philippine Army at Japan Ground Self Defense Force (JGSDF) sa Legaspi, Albay bukas. Ang sabayang ehersisyo ay isasagawa makaraan ang pananalasa ng bagyong Enteng, kung saan mahigit 80,000 katao ang naapektohan sa 6 na lalawigan sa… Continue reading Japan Ground Self Defense Force at Phil. Army, magtutulungan sa HADR sa Legazpi, Albay