Paglipat ng NIA sa Office the President, welcome kay DA Sec. Laurel

Pabor si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pansamantalang ilipat ang National Irrigation Administration (NIA) sa Office of the President (OP) mula sa Department of Agriculture (DA). Tinawag ng Kalihim ang paglilipat na isang “strategic move”para sa pagsasakatuparan ng isang moderno at mas produktibong farm sector.… Continue reading Paglipat ng NIA sa Office the President, welcome kay DA Sec. Laurel

DMW, nanawagan sa House Appropriations Committee na ibalik ang dagdag na pondo ng National Reintegration Program ng mga OFWs.

Nanawagan si Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac sa mga miyembro ng House Appropriations Committee na ibalik ang ₱97 million budget ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO). Sa ilalim kasi ng 2025 National Expenditure Program o NEP nabawasan ng 45% ang budget ng NRCO at ngayon ay nasa 53.72 million na… Continue reading DMW, nanawagan sa House Appropriations Committee na ibalik ang dagdag na pondo ng National Reintegration Program ng mga OFWs.

House Appropriations panel Chair, bumuwelta sa paratang na dalawang tao lang ang may kontrol sa national budget

Dumepensa si House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co sa paratang na siya at si Speaker Martin Romualdez lang ang may hawak at kontrol sa budget ng pamahalaan. Ayon kay Co, pambubudol at panlilihis lamang sa tunay na isyu ang pahayag na ito. Giit niya, malabong sila lang ng House Speaker ang may kontrol sa… Continue reading House Appropriations panel Chair, bumuwelta sa paratang na dalawang tao lang ang may kontrol sa national budget

Utos ng QC RTC na ilipat ng kustodiya si Quiboloy at mga kapwa-akusado, iaapela ng PNP

Mananatili sa PNP Custodial Center si Apollo Quiboloy sa kabila ng utos ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) na ilipat ng piitan ang Pastor at mga kapwa-akusado nito. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na ipaalam nila sa QC RTC Branch 106 na… Continue reading Utos ng QC RTC na ilipat ng kustodiya si Quiboloy at mga kapwa-akusado, iaapela ng PNP

Access sa healthcare ng bawat Pilipino, tiniyak ni PBBM na kasama sa pilit na inaabot ng kanyang Administrasyon

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kabilang sa bisyon ng kanyang Administrasyon ang maipagkaloob sa bawat Pilipino ang pagkakaroon ng access sa healthcare. Sa talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Bagong Urgent Care and Ambulatory Service o BUCAS sa Philippine Heart Center, sinabi ng Pangulo na bahagi ng bisyon ng Administrasyon na maihatid… Continue reading Access sa healthcare ng bawat Pilipino, tiniyak ni PBBM na kasama sa pilit na inaabot ng kanyang Administrasyon

₱27-M halaga ng shabu, nasamsam ng PNP Drug Enforcement Group sa Cavite

Aabot sa mahigit ₱27-milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG). Ito’y ayon kay PDEG Director, Police Brig. Gen. Eleazar Matta kasunod ng ikinasa nilang operasyon sa isang subdibisyon sa Brgy. Buhay na Tubig sa Imus City, Cavite kagabi. Nagresulta ito sa… Continue reading ₱27-M halaga ng shabu, nasamsam ng PNP Drug Enforcement Group sa Cavite

Project LAWA at BINHI, nakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya sa dalawang bayan sa Cotabato

Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development ang naitulong ng Project LAWA at BINHI sa bayan ng President Roxas at Carmen sa Cotabato. Ayon sa DSWD, napalago ang lokal na ekonomiya ng mga nasabing bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga magsasaka para mapaunlad ang agrikultura. Karamihan sa mga benepisyaryo ng programa… Continue reading Project LAWA at BINHI, nakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya sa dalawang bayan sa Cotabato

BJMP, ituturing na ordinaryong preso si Pastor Apollo Quiboloy kung ililipat sa kanilang pasilidad

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Region na ituturing nilang ordinaryong bilanggo si Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy kung ililipat sa kanilang pasilidad. Ito ang inihayag ni Bureau of Jail Management and Penology -National Capital Region Regional Director JCSupt Russel Clint Tangeres. Mahigpit ang tagubilin nito sa… Continue reading BJMP, ituturing na ordinaryong preso si Pastor Apollo Quiboloy kung ililipat sa kanilang pasilidad

Finance Sec. Recto, suportado ang plano ng Bangsamoro gov’t na makuha ang shares ng DBP sa Al-Amanah Islamic Bank

Suportado ni Finance Secretary Ralph Recto ang panukalang  acquisition ng Bangsamoro Government ng shares ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (AAIIBP). Layon ng hakbang na isulong ang financial inclusion at pabilisin ang socio economic growth ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ayon kay Recto,… Continue reading Finance Sec. Recto, suportado ang plano ng Bangsamoro gov’t na makuha ang shares ng DBP sa Al-Amanah Islamic Bank

Operasyon ng ERC, mananatiling normal sa kabila ng suspensyon sa pinuno nito

Pormal nang binakante ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta. Ito ang inihayag ng kampo ni Dimalanta makaraang kumpirmahin nito na nakarating sa sa kanila ang impormasyon hinggil sa suspension order mula sa Office of the Ombudsman. Kasunod nito, tiniyak ng kampo ng ERC Chair na mananatiling normal ang operasyon ng Komisyon sa kabila… Continue reading Operasyon ng ERC, mananatiling normal sa kabila ng suspensyon sa pinuno nito