PTV makikipagtulungan sa JICA para sa modernisasyon ng gov’t TV

Malapit nang maisapinal ang kasunduan sa pagitan ng PTV-4 at Japan International Cooperation Agency para sa modernisasyon ng government TV network. Sa budget briefing sa Kamara, ibinahagi ni Communications Secretary Cesar Chavez na para maisakatuparan ang paglipat ng PTV sa digital mula analog ay papasok ito sa isang ₱6-billion loan agreement kasama ang JICA. Sa… Continue reading PTV makikipagtulungan sa JICA para sa modernisasyon ng gov’t TV

KOJC leader Apollo Quiboloy at 4 na kapwa akusado, iniutos ng korte na ilipat sa QC Jail

Ipinag-utos na ng Quezon city Regional Trial Court na mailipat ng detention facility si KOJC leader Pastor Apollo Quiboloy at apat nitong mga kapwa akusado. Sa kautusan ni QC RTC Branch 106 Presiding Judge Noel Parel, pinalilipat sa New Quezon City Jail sa Bagong Silangan, QC sina Pastor Apollo Quiboloy at Cresente Canada. Sina Jackielyn… Continue reading KOJC leader Apollo Quiboloy at 4 na kapwa akusado, iniutos ng korte na ilipat sa QC Jail

Pag-blur ng mug-shot ni Quiboloy at kapwa akusado, pinaliwanag ng PNP

Nagpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) sa puna ng mga netizens tungkol sa mga blurred mugshot ni Pastor Apollo Quiboloy at iba pang kapwa akusado. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, ito’y bilang pag-tugon sa kautusan ng Commission on Human Rights (CHR) na hangga’t maari ay takpan ang mukha ng… Continue reading Pag-blur ng mug-shot ni Quiboloy at kapwa akusado, pinaliwanag ng PNP

DSWD, nakapagpaabot na ng P248-M ayuda sa mga apektado ng bagyong Enteng

Patuloy na naglalaan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng mga pag-ulan at bahang dulot ng Bagyong Enteng at Habagat Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa P248-M ang halaga ng ayudang naihatid sa apektadong LGUs sa sampung rehiyon sa bansa. Samantala, as of Sept. 10… Continue reading DSWD, nakapagpaabot na ng P248-M ayuda sa mga apektado ng bagyong Enteng

Dagdag benepisyo sa Philhealth, asahan bago matapos ang taon

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na marami pa itong nakalinyang benepisyo para sa mga miyembro bago matapos ang 2024. Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ng PIA, ipinunto ni Philhealth Health Finance Policy Sector Senior VP Dr. Israel Francis Pargas, na tuloy tuloy anh ginagawa nilang hakbang para mapalawak ang benepisyo. Bago matapos ang… Continue reading Dagdag benepisyo sa Philhealth, asahan bago matapos ang taon

Pastor Apollo Quiboloy, babasahan na ng sakdal sa Biyernes

Makikipagpulong ngayong araw ang Philippine National Police (PNP) at ang Department of Justice (DOJ). Ito’y para talakayin ang nakatakdang pagbasa ng sakdal kay Pastor Apollo Quiboloy gayundin sa apat na kapwa akusado nito sa mga kasong Child at Sexual Abuse gayundin sa Qualified Human Trafficking. Sa panayam kay Fajardo sa Kampo Crame ngayong umaga, sinabi… Continue reading Pastor Apollo Quiboloy, babasahan na ng sakdal sa Biyernes

Preventive measures vs. mpox, palalawakin pa ng Caloocan LGU

Nakipagpulong muli si Caloocan Mayor Along Malapitan sa mga department head sa lungsod upang talakayin ang mga preventive measures o mga hakbang kontra mpox o monkeypox virus. Ayon sa alkalde, patuloy na pangungunahan ng City Health Department at ng City Disaster Risk Reduction and Management Department ang Mpox Task Force. Muli ring maglalagay ng temperature… Continue reading Preventive measures vs. mpox, palalawakin pa ng Caloocan LGU

TikTok video ng umano’y educational assistance sa lahat ng mag-aaral, fake news — DSWD

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang katotohanan ang TikTok video kaugnay ng umano’y educational assistance na ilalaan nito sa lahat ng mga mag-aaral sa bansa. Pinakakalat ito ng isang TikTok page na may username na DSWD News Update. Giit ng DSWD na wala pang tiyak na detalye kung kailan magsisimula… Continue reading TikTok video ng umano’y educational assistance sa lahat ng mag-aaral, fake news — DSWD

DMW, mahigpit na binabantayan ang kaligtasan ng Filipino seafarers at kanilang mga pamilya alinsunod sa atas ni PBBM

Binigyang-diin ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na kasalukuyan silang naghihigpit sa mga Filipino seafarers na maglayag sa mga lugar na mataas ang peligro. Sa pagharap ni Cacdac sa House Appropriations Committee para sa kanilang 2025 proposed budget sinabi nito na alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. prayoridad nila na… Continue reading DMW, mahigpit na binabantayan ang kaligtasan ng Filipino seafarers at kanilang mga pamilya alinsunod sa atas ni PBBM

Ratipikasyon ng Philippine Archipelagic Sea Lanes Bill, ikinalugod

Ratipikado na rin sa Kamara ang Bicameral Conference Committee Report ng Archipelagic Sea Lanes (ASLs) Bill. Ibig sabihin nito, maaari na ito maiakyat sa Taggapan ng Pangulo upang malagdaan bilang ganap na batas. Malaki naman ang pasasalamat ni House Committee on Foreign Affairs Chair Maria Rachel Arenas sa mga kasamahang mambabatas sa Kamara at Senado… Continue reading Ratipikasyon ng Philippine Archipelagic Sea Lanes Bill, ikinalugod