Nanatiling bukas at walang pinsalang natamo ang anumang CAAP operated airport sa bansa sa kabila ng pagbayo ng bagyong Enteng.
Subalit para sa kaligtasan ng lahat, muling ipinaalala ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang Memorandum Circular 013-2023, na inisyu ni CAAP Director General Capt. Manuel Antonio L. Tamayo.
Base sa nasabing direktiba, ang mga sasakyang panghimpapawid ay na may maximum certificated takeoff weight na 5,700 kg o mas mababa ay pinagbabawalang lumipad kapag nakataas ang storm signal number 1.
Dagdag pa dito, lahat ng pasahero at mga crew, ng parehong commercial at general aviation flights ay kinakailangan sumailalim sa security clearance at procedures sa passenger terminal building sa mga CAAP-operated airports.
Sa ngayon, base sa pinakahuling tala ng CAAP Operations Center mayroon nang 38 cancelled domestic flight cancellations sa iba’t-ibang mga paliparan dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.
Pinapayuhan din ng CAAP ang mga pasahero na makipagugnayan muna sa kanilang mga airlines para sa schedule ng kanilang flight at siguraduhing dumating ng maaga sa mga paliparan bago ang kanilang mga flights. | ulat ni Lorenz Tanjoco