Nananatiling normal ang lebel ng tubig sa Marikina River ngayong umaga sa kabila ng naranasang pag-ulan sa nakalipas na magdamag.
Batay sa datos ng Marikina City Rescue 161 as of 5am, nasa 14.9 meters ang lebel ng tubig sa ilog at walang nakataas na alarma rito.
Gayunman, pinapayuhan ang mga residente na huwag magpakampante dahil sa posibleng tumaas muli ang lebel ng tubig sa ilog sa sandaling bumuhos muli ang malakas na ulan.
Kagabi, nag-ikot si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro para mamahagi ng hot meals at relief goods sa mga nagsilikas na residente ng Malanday Elementary School.
Patuloy na nakabantay ang LGU sa sitwasyon ng Marikina River gayunidn sa kalagayan ng mga nagsilikas na residente. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: Marikina PIO