Mga kasong kakaharapin ni Alice Guo, posible pang madagdagan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Solicitor General Menardo Guevarra na posibleng madagdagan pa ang mga kasong kakaharapin ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay Guevarra, isa sa mga posibleng maidagdag sa kasalukuyang patong-patong na kaso ng dating alkalde ay ang paglabag sa Immigration Law ng bansa.

Ito ay dahil sa sinasabing pagtakas nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng umano’y iligal na paraan.

Dagdag pa ni Guevarra, ang pagkakaaresto kay Guo ay inaasahang magpapabilis sa mga kasong nakasampa na laban dito.

Patunay din aniya ang pagkakaaresto kay Guo sa Indonesia na ang mahabang kamay ng batas ay patuloy na mahahabol ang mga lumabag dito, san man magtago ang mga ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us