Maayos ang kasalukuyang tinatakbo ng mga byahe sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
Ito ay sa kabila ng nagpapatuloy na sama ng panahon dahil naman sa hagupit ng habagat.
Ayon kay Kolyn Calbasa, ang Corporate Communications Officer ng PITX, wala pa silang naitatala o namomonitor na kanselasyon ng byahe ng bus sa kanilang terminal magpa hanggang sa ngayong oras na ito.
Giit nito, agad nilang isasapubliko sakaling may magkansela ng byahe ngayong araw sa nasabing tyerminal.
Matatandaang umabot din sa mahigit 10 ang nakanselang byahe sa PITX noong kasagsagan ng pagbayo bagyong Enteng sa Metro Manila. | ulat ni Lorenz Tanjoco