Pasasalamat sa tulong ng Singapore sa mga biktima ng Bagyong Kristine, ipinaabot ni Speaker Romualdez

Nagpasalamat si Speaker Martin Romualdez sa Singaporean government sa kanilang pag-tulong para sa mga biktima ng bagyong Kristine, partikular na dito ang pagdadala ng relief goods ng Singaporean Air Force sa mga lugar na pinaka tinamaan ng bagyo. Ipinaabot ni Romualdez ang pagpapasalamat kay Singapore President Tharman Shanmugaratnam at Ambassador to the Philippines Constance See… Continue reading Pasasalamat sa tulong ng Singapore sa mga biktima ng Bagyong Kristine, ipinaabot ni Speaker Romualdez

Disaster preparedness ng mga lokal na pamahalaan, palalakasin ng Department of Finance

Nangako ang Department of Finance na patuloy nilang palalakasin ang paghahanda at pagtugon ng mga pamahalaang lokal tuwing may kalamidad. Ginawa ng DoF ang pahayag kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine kung saan mahigit sa 40 probinsya, 73 na syudad at 733 na munisipalidad ang naapektuhan. Kabilang dito ang climate adaptation initiatives sa ilalim ng… Continue reading Disaster preparedness ng mga lokal na pamahalaan, palalakasin ng Department of Finance

Mga Pulis na biktima rin ng kalamidad, tutulungan ng PNP

Tutulungan ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito na sinalanta rin ng nagdaang bagyong Kristine. Ito ang inihayag ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa isinagawang lingguhang flag raising ceremony ngayong umaga. Ayon kay Marbil, kaniya nang inatasan ang mga kinauukulang yunit ng Pulisya para magbigay ng tulong pinansyal sa mga Pulis… Continue reading Mga Pulis na biktima rin ng kalamidad, tutulungan ng PNP

Panukala para bumuo ng ‘superbody’ para sa regulasyon ng artificial intelligence, muling inihirit ng isang mambabatas

Muling nanawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa mga kasamahang mambabatas na talakayin at pagtibayin na ang House Bill 7396 o panukala para sa pag-buo ng isang departamento na tututok sa Artificial Intelligence o AI. Giit ni Barbers kailangan na ng Pilipinas ng isang multi-agency regulatory body para sa AI upang magamit… Continue reading Panukala para bumuo ng ‘superbody’ para sa regulasyon ng artificial intelligence, muling inihirit ng isang mambabatas

Muntinlupa LGU, naglabas na ng paalala para sa Undas 2024

Pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang mga residente nito na makikibahagi sa Undas 2024. Ayon sa anunsyo dapat tandaan at sumunod sa mga patakaran sa mga sementeryo para mapanatiling ligtas at maayos ang pagbisita sa mga pampublikong libingan. 🕕 Bukas ang pampublikong sementeryo mula 6 AM hanggang 8 PM sa October 31 at November… Continue reading Muntinlupa LGU, naglabas na ng paalala para sa Undas 2024

Mandaluyong LGU, nagpaalala sa mga bibisita sa mga sementeryo sa lungsod ngayong papalapit na UNDAS

Pinaalalahanan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang mga residente nito na may yumaong ka-anak na nakahimlay sa mga sementeryo na linisin na ang kanilang mga puntod. Ito’y dahil sa hanggang October 30 na lamang maaaring magdala ng mga panlinis ng mga nitso upang bigyang daan ang iba pang mga pagawain para sa UNDAS. Sa pag-iikot… Continue reading Mandaluyong LGU, nagpaalala sa mga bibisita sa mga sementeryo sa lungsod ngayong papalapit na UNDAS

3 dam sa Luzon, patuloy pa ring nagpapakawala ng tubig

Patuloy na nagbabawas ng tubig ang tatlong malalaking dam sa Luzon kasunod ng ulang ibinagsak ng bagyong Kristine. Kabilang sa mga dam na nagpapakawala pa rin ng tubig ay ang Ambuklao Dam at Binga Dam sa Benguet pati na ang Magat Dam sa Isabela. Sa 8am update ng PAGASA Hydromet, dalawang gate pa rin ang… Continue reading 3 dam sa Luzon, patuloy pa ring nagpapakawala ng tubig

Traffic re-routing, ipatutupad ng San Juan LGU sa paggunita ng UNDAS

Inabisuhan ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang mga motorista hinggil sa ipatutupad na traffic re-routing sa kahabaan ng Boni Serrano sa mismong araw ng UNDAS, November 1. Ito’y upang matiyak ang tuloy-tuloy na daloy ng trapiko at bilang paghahanda na rin sa pagdagsa ng mga pupunta sa San Juan City Cemetery sa nabanggit na… Continue reading Traffic re-routing, ipatutupad ng San Juan LGU sa paggunita ng UNDAS

Atty. Voltaire Agas, itinalagang bagong OIC ng SSS

Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Atty. Voltaire Agas bilang bagong Officer-in-Charge (OIC) ng Social Security System (SSS). Si Santos ay ang Executive Vice President for the Branch Operations Sector ng ahensya. Sa isang memorandum na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na itinalaga si Agas bilang OIC sa state-run pension… Continue reading Atty. Voltaire Agas, itinalagang bagong OIC ng SSS

BHW Party-list, tuloy-tuloy din sa pagsasagawa ng relief ops para sa mga sinalanta ng bagyong Kristine

Nagpapatuloy ang relief efforts ng mga barangay health workers at BHW Party-list para sa mga sinalanta ng bagyong Kristine. Ayon kay BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co, bukas ang kanilang relief sites sa iba’t ibang panig ng bansa para tumanggap ng mga tulong. Kabilang aniya dito ang Guinobatan, Legazpi City, at Sto. Domingo sa Albay.… Continue reading BHW Party-list, tuloy-tuloy din sa pagsasagawa ng relief ops para sa mga sinalanta ng bagyong Kristine