Mga bangko sa bansa, kinilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa kanilang ambag sa pagsisikap ng gobyerno upang maalis sa FATF greylist

Kinilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ambag ng mga bangko sa bansa sa pagsisikap ng gobierno na maalis sa Financial Action Task Force (FATF) “grey list”. Sa statement ng BSP, sinabi nito na katuwang nila ang mga bangko at iba pang BSP – supervised financial institution na paghusayin ang ating pagtalima sa isa sa… Continue reading Mga bangko sa bansa, kinilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa kanilang ambag sa pagsisikap ng gobyerno upang maalis sa FATF greylist

PAOCC, pinuri sa patuloy na paghabol sa mga sangkot sa iligal na POGO

Ikinalugod ni Quad Comm co-chair Dan Fernandez ang panibagong kasong inihain ng PAOCC o Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban sa mga sangkot sa operasyon ng iligal na POGO sa bansa. Aniya, nakita naman ang pag pupursige ng PAOCC sa pangangalap ng ebidensya at paghahabla sa mga may sala. “We’re happy about it that PAOCTF… Continue reading PAOCC, pinuri sa patuloy na paghabol sa mga sangkot sa iligal na POGO

QuadComm, nilinaw na hindi ipiangdadamot sa Senado ang address ng mga resource person na humarap sa kanilang pagdinig

Hindi ipinagdadamot o itinatago ng Quad Comm sa Senado ang address ng mga resource person na humarap sa kanila kaugnay sa isyu ng extrajudicial killings at war on drugs. Ito ang paglilinaw ni Quad Comm co-chair Dan Fernandez matapos makwestyon ng Senate Blue Rubbon sub-committee kung bakit hindi tumugon ang komite nang hingin ang address… Continue reading QuadComm, nilinaw na hindi ipiangdadamot sa Senado ang address ng mga resource person na humarap sa kanilang pagdinig

DILG, nanawagan sa pakikiisa ng publiko para sa mapayapa at ligtas na paggunita ng Undas 2024

Umaasa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kooperasyon ng publiko na para sa isang mapayapa at ligtas na paggunita sa Undas 2024. Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla na umaasa itong susunod ang mga bibisita sa kanilang mga yumao sa mga patakaran sa sementeryo lalo na sa mga… Continue reading DILG, nanawagan sa pakikiisa ng publiko para sa mapayapa at ligtas na paggunita ng Undas 2024

Pagpapatupad ng moratorium sa disconnection at paniningil ng kuryente, inaaral na ng ERC

PInag-aaralan na ng Energy Regulatory Commission (ERC) kung “feasible” o mapagbigyan ba ang pagpapatupad ng moratorium sa disconnection gayundin sa paniningil sa kuryente sa mga lugar na nakapailalim sa State of Calamity dahil sa bagyong Kristine. Ito’y kasunod na rin ng atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr upang maibsan ang dinaranas na paghihirap ng… Continue reading Pagpapatupad ng moratorium sa disconnection at paniningil ng kuryente, inaaral na ng ERC

Pasig River Ferry Service, tigil operasyon ngayong UNDAS

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na tigil-operasyon ang Pasig River Ferry Service sa unang 2 araw ng Nobyembre. Ito’y bilang pagbibigay daan sa mga tauhan ng Pasig River Ferry Service na makasabay sa paggunita ng mga Pilipino sa UNDAS. Dahil dito, hanggang bukas, Oktubre 31 na lamang ang regular na operasyon… Continue reading Pasig River Ferry Service, tigil operasyon ngayong UNDAS

BATANELCO, inanunsyo na magpapatupad ng total power shutdown ang National Power Corporation dahil sa banta ng Bagyong Leon

Simula mamayang 12:00 ng tanghali ngayong araw na ito, Miyerkules, October 30, 2024, ay makakaranas ng pangkalahatang pagkawala ng suplay ng kuryente ang buong Batan Island dahil sa ipinatutupad ng NAPOCOR na total shutdown dulot ng patuloy na masungit na panahon na dala ng bagyong #LeonPh. Ayon sa advisory ng BATANELCO, ang pagpapatupad ng NAPOCOR… Continue reading BATANELCO, inanunsyo na magpapatupad ng total power shutdown ang National Power Corporation dahil sa banta ng Bagyong Leon

Mahigit 400 tauhan ng PNP mula sa iba’t ibang unit, tutulong sa Disaster Relief efforts sa Bicol

Nagpadala pa ng karagdagang puwersa ang Philippine National Police (PNP) upang tumulong sa pagsasagawa ng Humanitarian Assistance at Disaster Relief Operation (HADR) sa Bicol region na pinadapa ng bagyong Krisitne. Ayon sa PNP, nasa 438 na mga Pulis mula sa iba’t ibang yunit ang magsisilbing augmentation force katuwang ng Police Regional Office 5 o Bicol… Continue reading Mahigit 400 tauhan ng PNP mula sa iba’t ibang unit, tutulong sa Disaster Relief efforts sa Bicol

Mga nasawi bunsod ng bagyong Kristine, pumalo na sa 145 ayon sa NDRRMC

Nadagdagan pa ang bilang ng mga napapaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine. Batay sa pinakahuling datos mula sa NDRRMC, pumalo na sa 145 ang bilang ng mga nasawi kung saan, 14 dito ang kumpirmadong may kaugnayan sa bagyo matapos sumailalim sa validation. Nasa 115 naman ang napaulat na nasugatan dahil sa bagyo… Continue reading Mga nasawi bunsod ng bagyong Kristine, pumalo na sa 145 ayon sa NDRRMC

Ilang kalsada sa Manila North Cemetery, isasara na simula mamayang gabi

Nag-abiso na sa mga motorista ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagsasara ng mga kalsada simula mamayang alas-7 ng gabi hanggang November 3 para sa paggunita ng Undas.  Kabilang sa mga isasara na kalsada ay: Samantala, bukod sa mga isasarang kalsada, may rerouting din ng mga sasakyan.  Dahil sa pagsasara ng mga kalsada sa… Continue reading Ilang kalsada sa Manila North Cemetery, isasara na simula mamayang gabi