Nakatanggap ng bomb threat ang Pasig City Hall of Justice ngayong umaga.
Agad na pinalabas ang mga kawani at ipinagbabawal na rin ang pagpasok sa tanggapan habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Pasig Philippine National Police (PNP).
Ayon sa Pasig PNP, naganap ito bandang alas-nuebe ng umaga at ang lahat ng pagdinig ay kanselado na ngayong araw dahil sa insidente.
Sa ngayon, kinordonan na ang paligid ng Pasig Citty Hall of Justice upang makontrol ang movement ng mga tao.
Kasalukuyang nagsasagawa ng paneling ang Pasig PNP at sinusuyod na ng K9 dogs ang loob ng gusali upang matiyak ang seguridad at muling ligtas na papasukin yung mga kawani na pinalabas. | ulat ni Diane Lear