Higit 1.5-M food packs, naipamahagi na ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Kristine hanggang bagyong Ofel

Kahit sunod sunod ang pagtama ng kalamidad, walang patid naman ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD sa mga apektado ng Bagyong Kristine hanggang Bagyong Ofel. Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa higit P1.5-M family food packs ang naipaabot kung saan nasa P1.4-M ang ibinigay sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Kristine at Leon.… Continue reading Higit 1.5-M food packs, naipamahagi na ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Kristine hanggang bagyong Ofel

Inter-Agency Coordinating Cell sa ilalim ng OCD, nakatutok sa galaw ng mga bagyong Ofel at Pepito

Puspusan ang ginagawang ugnayan ng iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan kasama ang mga Lokal na Pamahalaan sa pagtutok sa mga bagyong Ofel at Pepito. Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Administrator, USec. Ariel Nepomuceno, halos wala nang uwian at hindi na rin naghihiwalay ang mga bumubuo ng Inter-Agency Coordinating Cell sa Kampo Aguinaldo. Paliwanag… Continue reading Inter-Agency Coordinating Cell sa ilalim ng OCD, nakatutok sa galaw ng mga bagyong Ofel at Pepito

Panibagong RoRe mission sa BRP Sierra Madre, matagumpay na naisagawa ng AFP at PCG

Ipinagmalaki ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang matagumpay nilang Rotation and Re-supply mission (RoRe) sa mga Sundalong nakahimpil sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal na bahagi ng West Philippine Sea. Sa inilabas na pahayag ng AFP ngayong araw, sinabi nito na katuwang nila sa isinagawang RoRe mission ang Philippine Coast… Continue reading Panibagong RoRe mission sa BRP Sierra Madre, matagumpay na naisagawa ng AFP at PCG

Libreng bakuna para sa mga senior citizen, itinutulak sa Kamara

Inihain sa Kamara ang panukala na gawing libre ang lahat ng bakuna para sa mga senior citizen. Titiyakin sa ilalim ng House Bill 11055 o Safeguarding Seniors: Free Immunization Act of 2024 na may sapat na proteksyon ang mga nakatatanda sa mga sakit na kayang labanan ng bakuna para na rin sa kanilang kalusugan. Aamyendahan… Continue reading Libreng bakuna para sa mga senior citizen, itinutulak sa Kamara

Nasa1,700 pamilya, posibleng ilikas sa Buhi, CamSur dahil sa Bagyong Pepito

Tinatayang nasa 1,700 na pamilya ang posibleng ilikas sa bayan ng Buhi, Camarines Sur kaugnay ng paghahanda ng Lokal na Pamahalaan sa banta ng bagyong Pepito. Una rito, nagpulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa pamumuno ni Buhi Mayor Rey Lacoste kahapon, November 14, 2024, at isa sa napag-usapan dito ay… Continue reading Nasa1,700 pamilya, posibleng ilikas sa Buhi, CamSur dahil sa Bagyong Pepito

Command Center ng DSWD, naka-deploy na sa Aurora

Napapakinabangan ngayon ng mga residente sa Aurora ang Mobile Command Center (MCC) na idineploy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 – Central Luzon sa mga apektado ng bagyong Nika. Partikular na ipinadala ang Command Center sa Dilasag, Aurora, na wala pa ring kuryente sanhi ng pinsalang dala ng nagdaang bagyo.… Continue reading Command Center ng DSWD, naka-deploy na sa Aurora

PNP, handang tumulong sakaling maglabas na ng Red Notice ang INTERPOL laban kay dating Pangulong Duterte

Iginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang pasya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na magpasailalim sa pag-uusig ng International Criminal Court (ICC). Ito’y kaugnay ng kinahaharap na “crimes against humanity” ni Duterte dahil sa madugong war on drugs ng kanyang administrasyon. Gayunman, ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, handa… Continue reading PNP, handang tumulong sakaling maglabas na ng Red Notice ang INTERPOL laban kay dating Pangulong Duterte

Mga sasakyang Pandagat sa Bicol, kanselado na dahil sa bagyong Pepito

Bilang pag-iingat sa paparating na Bagyong “Pepito,” inabisuhan ang lahat ng marinero at mga naglalayag na sasakyang pandagat na suspendido ang biyahe sa mga ruta sa loob ng hurisdiksyon ng Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Camarines Norte, at Catanduanes. Epektibo ito simula alas-6 ng umaga ngayong November 15, 2024, matapos itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal… Continue reading Mga sasakyang Pandagat sa Bicol, kanselado na dahil sa bagyong Pepito

Higit ₱80-M halaga ng agri inputs, inilatag ng DA para sa mga apektado ng bagyong Nika

Naglaan na ang Department of Agriculture (DA) ng ₱84.88-milyong halaga ng agricultural inputs para sa mga sakahang naapektuhan ng bagyong Nika. Kabilang sa agri inputs na intervention ng DA ang mga binhi ng palay at mais at biologics para sa livestock at poultry na mula sa regional offices sa Ilocos Norte, Cagayan Calley, Central Luzon,… Continue reading Higit ₱80-M halaga ng agri inputs, inilatag ng DA para sa mga apektado ng bagyong Nika

2 transmission line ng NGCP, apektado ng bagyong Ofel

Unavailable ngayon ang dalawang transmisison line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa epekto ng bagyong Ofel. Partikular dito ang Bauang-San Fabian 69-kilovolt line at Lallo-Sta. Ana 69-kilovolt line sa Cagayan. Dahil dito, walang suplay ng kuryente ang ilang customer ng Cagayan II Electric Coop, La Union Electric Coop na nagseserbisyo sa… Continue reading 2 transmission line ng NGCP, apektado ng bagyong Ofel