DOE, minomonitor ang supply ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Pepito

Patuloy na minomonitor ng Department of Energy ang supply ng enerhiya sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Pepito. Sa kanilang pinakuhuling energy situation report, nasa 3 power plants ang nakapagtala ng plant outage; habang nasa 6 na spug plant ang nanatiling operational; habang may 24 na diesel power plant ang naka standby at handang… Continue reading DOE, minomonitor ang supply ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Pepito

Bagyong Pepito, isa nalang Severe Tropical Storm habang palabas ng bansa

Humina na sa isang Severe Tropical Storm ang Bagyong Pepito habang nasa West Philippine Sea. Huli itong namataan sa layong 270 km kanluran ng Batac, Ilocos Norte taglay ang lakas ng hanging aabot ng 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong 135 km/h. Nasa Signal no. 1 ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, western… Continue reading Bagyong Pepito, isa nalang Severe Tropical Storm habang palabas ng bansa

Humanitarian Assistance and Disaster Response sa mga sinalanta ng Super Bagyong Pepito, pinaigting ng Philippine Army

Nakatutok pa rin ang Philippine Air Force sa pagbibigay ng Humanitarian Assistance at Disaster Relief Operations partikular na sa mga lugar na pinadapa ng Super Bagyong Pepito. Ayon kay Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, naka-antabay ang kanilang mga asset gaya ng: Bukod sa ginagamit ito sa Search, Rescue and Retrieval Operations, sinabi ni… Continue reading Humanitarian Assistance and Disaster Response sa mga sinalanta ng Super Bagyong Pepito, pinaigting ng Philippine Army

DA, nakatutok na sa mga sakahang apektado ng Super Typhoon Pepito

Nagsasagawa na ng validation ang Department of Agriculture sa mga sakahan na tinamaan ng Super Typhoon Pepito. Ayon kay DA Spokeperson Asec. Arnel de Mesa, mula nang tumama ang Bagyong Kristine, nasa higit P10-B na ang halaga ng pinsala na inabot ng agri at fisheries sector. Sa Catanduanes na labis na tinamaan ng Bagyong Pepito,… Continue reading DA, nakatutok na sa mga sakahang apektado ng Super Typhoon Pepito

Mindanao solon, pinalagan ang pagkuwestyon ng China sa Archipelagic Sea Lanes at Philippine Maritime Zones law

Kinondena ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang patuloy na pagiging “expansionist” ng China matapos kuwestyunin ang dalawang bagong batas ng bansa para pagtibayin ang maritime zones ng Pilipinas. Ayon kay Barbers gusto ng China na respetuhin natin ang kanilang pag angkin sa West Philippine Sea nang walang historical o legal basis at… Continue reading Mindanao solon, pinalagan ang pagkuwestyon ng China sa Archipelagic Sea Lanes at Philippine Maritime Zones law

US Defense Sec. Austin, makikipagpulong kay Sec. Teodoro bilang bahagi ng ika-4 na pagbisita nito sa bansa

Nasa Pilipinas ngayong araw si United States Defense Sec. Lloyd Austin para kaniyang Opisyal na pagbisita. Katunayan, magpupulong sina Austin at Defense Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. para sa pagrepaso gayundin ang pagpapatibay sa bilateral cooperation ng Pilipinas at Amerika. Ayon kay Teodoro, pagkakataon din ito upang pasalamatan ang Amerika sa mga hakbang nitong itaguyod… Continue reading US Defense Sec. Austin, makikipagpulong kay Sec. Teodoro bilang bahagi ng ika-4 na pagbisita nito sa bansa

Sunog sa isang junkshop sa Marikina City, naapula na

Tuluyan nang naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) Marikina ang sunog na sumiklab sa bodega ng scrap materials sa panulukan ng mga kalye Exequiel at Eraño Manalo na sakop na ng Brgy. Concepcion Uno sa Lungsod Marikina. Ayon kay Senior Fire Officer 4 Ralph Malalan, 7:14am nang ideklarang fire out ang naturang sunog na… Continue reading Sunog sa isang junkshop sa Marikina City, naapula na

Paunang tulong, agad inihatid ng Bicolano solons sa mga kababayang naapektuhan ng bagyong Pepito

Kasunod ng pagbuti ng panahon matapos manalasa ang bagyong Pepito ay agad umikot si Sorsogon Representative Wowo Fortes para magpaabot ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Pepito. Tatlong barangay sa munisipalidad ng Gubat Sorsogan ang naabutan ng tig-dalawang kilo ng bigas kada household. Sa Brgy. Panganiban, 610 na kabahayan ang napagkalooban ng bigas. Habang may 346… Continue reading Paunang tulong, agad inihatid ng Bicolano solons sa mga kababayang naapektuhan ng bagyong Pepito

Pinakakawalang tubig sa Magat Dam, dinagdagan

Muling itinaas ng Magat Dam ang pinapakawalan nitong tubig dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng tubig dulot ng Bagyong Pepito. Ayon sa National Irrigation Administration-Mariis Dam and Reservoir Division (NIA-MARIIS DRD), kaninang alas-7 ng umaga ay itinaas sa hanggang apat na metro ang nakabukas na spillway gate sa Magat Dam. Ngayong alas-8 ng… Continue reading Pinakakawalang tubig sa Magat Dam, dinagdagan

Halos 2k Family Food Packs ng DSWD Bicol, ipinadala sa Catanduanes

Inaasahang darating ngayong araw ang ipinadalang 1,700 na family food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-5) Bicol sa probinsya ng Catanduanes. Ang mga family food packs na mula pa sa warehouse ng ahensya sa Pawa, Legazpi City, ay ipapamahagi sa mga bayan na lubhang naapektuhan ng Super Typhoon Pepito. Maliban dito, nauna… Continue reading Halos 2k Family Food Packs ng DSWD Bicol, ipinadala sa Catanduanes