Hindi humarap sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee ngayong umaga si Office of the Vice President Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez.
Sa isinumiteng certificate of confinement ni Lopez mula sa Veterans Memorial Medical Center nakasaad na mayroong acute stress disorder ang opisyal dahil sa mga insidente na nangyari nitong weekend partikular ang atas na ilipat siya ng detention facility.
Mayroon din umano siyangang frozen shoulder, scoliosis at osteoarthritis.
Hiling naman ni Lopez sa mga mambabatas ng pangunawa at konsiderasyon kung bakit hindi siya makakadalo sa pag-dinig ngayong araw.
Samantala, sa unang pagkakataon ay humarap naman ang apat na opisyal ng OVP na una nang pina-contempt ng komite.
Ito ay sina Special Disbursement Officer Gina Acosta, dating DepEd SDO Edward Fajarda, Dating Assistant Secretary Sunshine Fajarda at Assistant Chief-of-staff Lemuel Ortonio. | ulat ni Kathleen Forbes