Pitong buwang sanggol, narescue sa nabistong ‘online baby selling’ sa Rizal

Muling nagbabala ang DSWD National Authority for Child Care (NACC) sa sinumang magtatangkang magbenta o bumili ng sanggol online. Kasunod ito ng pagkakarescue ng isang pitong buwang sanggol sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police – Womenand Children Protection Center (PNP-WCPC) sa San Jose, Rodriguez, Rizal noong Nov. 6. Sa ulat ng PNP, nabisto ang… Continue reading Pitong buwang sanggol, narescue sa nabistong ‘online baby selling’ sa Rizal

Party-list solon, nanawagan para palawigin ang oras ng operasyon ng LRT at MRT

Umapela si Akbayan Representative Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) na ikonsidera ang pagpapalawig sa operating hours ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 ng hanggang alas-dose ng hatinggabi mula sa kasalukuyang 10:30 PM. Aniya, ito’y para maserbisyuhan pa rin ang libong mga manggagawa sa BPO at mga night shift na kailangan bumiyahe ng dis-oras ng… Continue reading Party-list solon, nanawagan para palawigin ang oras ng operasyon ng LRT at MRT

GSIS, ipagagamit ang lupain para pagtayuan ng bagong transport hub sa QC

Kinumpira ng Government Service Insurance System (GSIS) na ipagagamit nito ang kanilang tatlong ektaryang lupain sa bahagi ng Quezon City Circle para maging bagong terminal ng mga pampublikong sasakyan. Ayon sa GSIS ang ‘Project Hub’ ay nagkaroon na ng working agreement sa pagitan ng DOTr, GSIS, MMDA at Quezon City LGU para maisakatuparan ito. Sa… Continue reading GSIS, ipagagamit ang lupain para pagtayuan ng bagong transport hub sa QC

Higit 800 vape retailers/resellers, na-raid ng BIR sa nationwide crackdown vs illicit vape

Aabot na sa 817 vape establishments ang na-raid ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isang buwang nationwide crackdown nito kontra sa mga puslit na vape. Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., mula nang simulan ang operasyon noong Oct. 16 ay aabot na rin sa 563,284 units/pods ng vape ang nasasabat na may… Continue reading Higit 800 vape retailers/resellers, na-raid ng BIR sa nationwide crackdown vs illicit vape

Pagbebenta ng imported na bigas sa Kadiwa Centers, itinutulak ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo

Senior Citizens, Persons with Disabilities and Solo parents take advantage of 29 pesos per kilo of rice sold at KADIWA Market in the Department of Agriculture in Quezon City on Monday July 01, 2024. (photo by Michael Varcas)

Isang panukala ang inihain ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo para maibenta na rin sa Kadiwa Centers ang mga imported na bigas. Aamyendahan ng House Bill 11061 ang Agricultural Tariffication Act upang pahintulutan ang distribusyon ng mga imported na bigas na binili ng pamahalaan sa ibang mga bansa sa pamamagitan ng government-to-government agreements sa… Continue reading Pagbebenta ng imported na bigas sa Kadiwa Centers, itinutulak ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo

Pagiging OFW dala ng matinding pangangailangan, hangad solusyunan ng Trabaho Party-list

A long line of returning Filipino workers queue on a special immigration lane for Overseas Filipino Workers (OFW) on arrival at Manila airport, 08 April 2006. Cash transfers to the Philippines by its large work force abroad rose to 10.8 percent in the first four months but they tailed off in April as less Filipinos were deployed overseas, the Central Bank said 15 June 2006. The government expects the full-year total to be at least 10 percent above the record remittances of 10.7 billion USD in 2005. AFP PHOTO / ROME GACAD

Hangad ng Trabaho Party-list na maging “personal choice” na lamang para sa mga Pilipino ang mangibang bansa para magtrabaho imbis na ito’y maging sapilitan o dahil sa matinding pangangailangan. Ayon kay Trabaho Party-list Spokesperson, Atty. Mitchell-David Espiritu, kinikilala ng grupo ang pagiging ‘bagong bayani’ ng Overseas Filipino Workers at ang malaking kontribusyon nila sa ekonomiya… Continue reading Pagiging OFW dala ng matinding pangangailangan, hangad solusyunan ng Trabaho Party-list

PAGASA, naglabas ng thunderstorm advisory sa Metro Manila at karatig lalawigan

Posibleng ulanin ang Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan ngayong hapon. Sa Thunderstorm Advisory ng PAGASA na inilabas kaninang 11:20 am, maaaring maranasan ang katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa Rizal, Bulacan, Metro Manila at Nueva Ecija. Ayon sa PAGASA, iiral ang thunderstorm sa loob ng… Continue reading PAGASA, naglabas ng thunderstorm advisory sa Metro Manila at karatig lalawigan

Confidential at travel expenses ng OVP, lumobo noong 2023 – COA

Lumobo sa P375-M ang naitalang confidential expenses ng Office of the Vice President para sa taong 2023, batay yan sa inilabas na annual audit report ng Commission on Audit (COA). Tripe na mas mataas ito sa confidential expenses ng naturang tanggapan noong 2022. Higit doble rin ang itinaas ng travel expenses ng OVP sa nakalipas… Continue reading Confidential at travel expenses ng OVP, lumobo noong 2023 – COA

PSA, walang record ng indibidwal na nagngangalang Mary Grace Piattos

Natanggap na ng House Blue Ribbon Committee ang sertipikasyon mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na walang indibidwal na nagngangalang Mary Grace Piattos. Ayon kay Blue Ribbon Committee Chair Joel Chua, nakasaad sa dokumento na walang record ng kapanganakan, kasal, o kamatayan sa PSA database ang pangalang Mary Grace Piattos. Ngunit kung magkaroon iba pang… Continue reading PSA, walang record ng indibidwal na nagngangalang Mary Grace Piattos

Sitwasyon sa WPS gayundin ng Internal Security, nananatiling manageable – NPOC

Itinuturing na ‘manageable’ ng National Peace and Order Council (NPOC) ang kasalukuyang estado ng sitwasyon sa West Philippine Sea gayundin sa Internal Security ng bansa. Ito ang inisyal na assessment ng National Security Council (NSC) at mga ground commander sa pinakahuling pagpupulong ng Konseho noong isang linggo. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information… Continue reading Sitwasyon sa WPS gayundin ng Internal Security, nananatiling manageable – NPOC