Mga senador, pinabulaanan ang ugong ng pagpapalit ng liderato sa Mataas na Kapulungan

Pinabulaanan ng mga senador ang impormasyon na lumabas sa isang pahayagan tungkol sa pagkakaroon diumano ng kudeta sa Senado. Sa naturang impormasyon, sinasabing si Senadora Cynthia Villar ang napipisil na pumalit kay Senate President Chiz Escudero sa pwesto bilang pinuno ng Senado. Tugon naman ni Villar, hindi totoo ang impormasyon na ito. Aniya, patapos na… Continue reading Mga senador, pinabulaanan ang ugong ng pagpapalit ng liderato sa Mataas na Kapulungan

Batas tungkol sa VAT refund para sa mga dayuhang turista sa Pilipinas, makakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa— SP Chiz

Long overdue nang maituturing ayon kay Senate President Chiz Escudero ang pagbibigay ng VAT refund sa mga dayuhang turista sa bansa. Ito ang pahayag ng Senate leader kasunod ng pagpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Republic Act (RA) 12079 o ang VAT Refund for Non-Resident Tourists Law. Ayon kay Escudero, matagal nang pinapatupad… Continue reading Batas tungkol sa VAT refund para sa mga dayuhang turista sa Pilipinas, makakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa— SP Chiz

Mahigit 41,000 na mga pulis, ipakakalat sa buong bansa ngayong holiday season

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na mahigit 41,000 na mga pulis ang ipakakalat sa buong bansa ngayong holiday season. Sa isang pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo na simula sa December 15 ay wala ng papayagan na mag-leave na mga pulis, maliban na lamang kung emergency ang dahilan.… Continue reading Mahigit 41,000 na mga pulis, ipakakalat sa buong bansa ngayong holiday season

LRT-2, may libreng sakay sa mga pasahero bukas kasabay ng pagdiriwang ng Human Rights Day

Maghahandog ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) bukas sa mga pasahero ng LRT-2. Batay sa abiso, ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-76 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights at National Human Rights Consciousness Week. Ang libreng sakay ay maaring i-avail mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM, at… Continue reading LRT-2, may libreng sakay sa mga pasahero bukas kasabay ng pagdiriwang ng Human Rights Day

Amyenda sa Agricultural Tariffication Act, malaking hakbang para sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura ng bansa

Isang malaki at makasaysayang hakbang para sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura ang bagong lagda na RA 12078 o Amyenda sa Agricultural Tariffication Act. Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga hindi lang tutugunan ng batas na ito ang mga hamon sa sektor ng agrikultura ngunit pangmatagalang solusyon din para sa… Continue reading Amyenda sa Agricultural Tariffication Act, malaking hakbang para sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura ng bansa

COA, hinimok ang MMDA na pabilisin ang mga proyekto nito upang mapakinabangan ng publiko, 22 proyekto ng flood control project para sa 2023, hindi pa nakukumpleto

Hinimok ng Commission on Audit ang Metropolitan Manila Development Authority na pabilisin ang pagpapatupad ng kanilang mga proyekto upang agarang mapakinabangan ito ng publiko. Sa inilabas na 2023, audit report ng COA nitong Disyembre, pinuna ng COA ang 22 mula 58 na proyekto sa ilalim ng Metro Manila Flood Management project phase ang hindi pa… Continue reading COA, hinimok ang MMDA na pabilisin ang mga proyekto nito upang mapakinabangan ng publiko, 22 proyekto ng flood control project para sa 2023, hindi pa nakukumpleto

House Blue Ribbon Committee, posibleng sa susunod na taon na isapinal ang rekomendasyon kaugnay sa pag-iimbestiga sa confidential funds ng OVP at DEPED

Muling magpupulong ang House Blue Ribbon Committee para plantsahin at pag-isahin ang mga rekomendasyon ng mga miyembro nito kaugnay sa naging pagsisiyasat nila sa isyu ng paggamit sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa pamumuno ni Vice President Sara Duterte. Sa naging pulong ng komite ngayong… Continue reading House Blue Ribbon Committee, posibleng sa susunod na taon na isapinal ang rekomendasyon kaugnay sa pag-iimbestiga sa confidential funds ng OVP at DEPED

PCG at DSWD, nakaantabay sa pagresponde sa Negros Island Region kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Kinumpirma ng tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) District Central Visayas na si Ensign Abel Jan Lomboy na nakaantabay sa Cebu ang dalawang PCG vessels na MRRV-4402 BRP Malabrigo at MRRV-4408 BRP Cape Engano upang tumulong sa pagresponde sa pagputok ng Bulkang Kanlaon. Ito ay kaugnay ng anunsyo ni PCG Commandant Ronnie Gil Gavan na… Continue reading PCG at DSWD, nakaantabay sa pagresponde sa Negros Island Region kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Mga trucker at kumpanya ng ride hailing apps, pupulungin ng MMDA kasunod ng mga naitalang aksidente sa kalsada

Kasunod ng serye ng aksidente sa kalsada, magpapatawag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng pulong sa Huwebes kasama ang mga trucker association at ride-hailing app companies. Gayundin ang Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), at Philippine National Police (PNP). Ayon kay MMDA Chairperson Atty. Don Artes, kabilang sa tatalakayin sa pulong ang… Continue reading Mga trucker at kumpanya ng ride hailing apps, pupulungin ng MMDA kasunod ng mga naitalang aksidente sa kalsada

DA, pinag-aralan na ring ilunsad ang “nutri-rice” at “sulit rice” na may presyong Php36.00 – Php38.00

Photo courtesy of Philippine News Agency

Plano na ring magbenta ng “nutri-rice “at “sulit rice” sa mga KADIWA Store ang Department of Agriculture. Ayon kay DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra, pinag-aaralan na ang dalawang bersyon ng bigas sa halagang Php36.00 hanggang Php38.00 ang kada kilo. Ang nutri-rice aniya ay masustansyang bigas na mababa ang “glycemic index”, habang ang sulit rice naman… Continue reading DA, pinag-aralan na ring ilunsad ang “nutri-rice” at “sulit rice” na may presyong Php36.00 – Php38.00