₱22-M na bridge widening project sa bayan ng Liloy sa Zamboanga del Norte, natapos na ng DPWH Region-9

Natapos na ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) ang konstruksyon ng ₱22-milyong bridge widening project ng Timan Bridge sa Barangay Timan sa bayan ng Liloy sa lalawigan ng Zamboanga del Norte. Ang nasabing tulay ay nagdurugtong sa Liloy-Sindangan-Dilopog road. Ang implementasyon ng proyekto ay pinangasiwaan ng DPWH-Zamboanga del Norte 3rd District Engineering… Continue reading ₱22-M na bridge widening project sa bayan ng Liloy sa Zamboanga del Norte, natapos na ng DPWH Region-9

Panibagong batch ng OFW mula Lebanon, nakauwi na ngayong araw – OWWA

Masayang sinalubong ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Authority ang panibagong batch ng mga OFWs na mula sa Lebanon. Ayon sa OWWA, ang mga 19 na OFW mula Lebanon ay nakauwi kaninang umaga at pawang mga nag-avail ng Voluntary Repatriation Program ng pamahalaan lulan ng Flight PR685 sa NAIA Terminal 1. Kabilang sa mga… Continue reading Panibagong batch ng OFW mula Lebanon, nakauwi na ngayong araw – OWWA

DBM, inatasan ni Pang. Marcos Jr. na ihanda ang mga kakailanganing pondo pangtugon sa sitwasyon sa Kanlaon

Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) ang kakailanganing budget para sa pagpapatuloy ng pagtugon ng pamahalaan sa pinakahuling aktibidad ng Bulkang Kanlaon. “Inatasan ko na ang Department of Budget and Management na magpalabas ng pondo para sa mga nasalanta. Patuloy din nakaalerto ang DOH laban sa mga sakit… Continue reading DBM, inatasan ni Pang. Marcos Jr. na ihanda ang mga kakailanganing pondo pangtugon sa sitwasyon sa Kanlaon

Mga dekalidad na atletang Pinoy, target payabungin ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa

Pinagtibay ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang naisin nitong magkaroon ng mga dekalidad na atletang Pilipino sa pamamagitan ng pakikipag tulungan kay volleyball phenom Alyssa Valdez. Sa ginananap na Memorandum of Agreement signing sa lungsod ng Muntinlupa – binigyang diin ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na layon nilang hasain ang potensyal ng mga kabataang… Continue reading Mga dekalidad na atletang Pinoy, target payabungin ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa

Sangguniang Panlalawigan ng Negros Occidental, inapubrahan ang Pagdeklara ng State of Calamity dahil sa pagputok ng Bulkang kanlaon

Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ang pagdeklara ng state of calamity sa buong Negros Occidental dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon. Sa isinagawang special session ng SP, unanimously approved ang rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na isailalim sa state of calamity ang probinsya. Sa pagdeklara ng state of calamity, sinang-ayunan rin… Continue reading Sangguniang Panlalawigan ng Negros Occidental, inapubrahan ang Pagdeklara ng State of Calamity dahil sa pagputok ng Bulkang kanlaon

DAR, namahagi ng Certificates of Condonation at titulo ng lupa sa Northern Mindanao

Aabot sa higit 4,000 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Northern Mindanao ang pinatawad na sa kanilang pagkakautang matapos na makatanggap ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR). Pinangunahan nina DAR-Northern Mindanao Regional Director Zoraida Macadindang, Sen. Francis Tolentino at DAR Undersecretary Rowena Niña Taduran ang pamamahagi… Continue reading DAR, namahagi ng Certificates of Condonation at titulo ng lupa sa Northern Mindanao

House Quad Committee, iaakyat na sa plenaryo ang progress report sa susunod na linggo

Iaakyat na ng House Quad Committee sa plenaryo ang kanilang progress o partial committee report matapos ang labindalawang pag-dinig. Ayon kay Co-Chair Dan Fernandez, bahagi ng kanilang rekomendasyon ang pagpapaigting ng mga LGU sa kampanya laban sa guerilla POGOs sa kanilang nasasakupan gayundin ang pagbibigay ng DOLE ng suporta sa may apatnapung libong mga Pilipinong… Continue reading House Quad Committee, iaakyat na sa plenaryo ang progress report sa susunod na linggo

Caloocan LGU, naghahanda para sa pagbabalik bansa ni Cardinal David

Naglabas ng traffic advisory ang Caloocan Local Govt para sa isasagawang misa ng pasasalamat ni H.E. Pablo Virgilio S. Cardinal David, D.D. at kaniyang pagbabalik sa Lungsod ng Caloocan mula sa Vatican City. Sa abiso ng LGU, ilang kalsada ang isasara dakonh 4:00 am sa Sabado, December 14, 2024. Kabilang dito ang mga ss: Pinapayuhan… Continue reading Caloocan LGU, naghahanda para sa pagbabalik bansa ni Cardinal David

DSWD-Caraga namigay ng tulong pinansyal sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Surigao City

Mahigit 360 pamilyang residente ng Surigao City ang nakabenepisyo sa pinansyal na tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng DSWD o Department of Social Welfare and Development Caraga Regional Office sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Surigao sa pamamagitan ng City… Continue reading DSWD-Caraga namigay ng tulong pinansyal sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Surigao City

Papel ng LGUs, mahalaga sa paglago ng human capital ayon sa World Bank

Binigyang-diin ng World Bank ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng human capital sa pamamagitan ng mga programa sa kalusugan, nutrisyon, at early childhood. Ayon sa World Bank, importante ito sa hangarin ng Pilipinas na maging isang middle-class country pagsapit ng 2040. Ayon kay Zafer Mustafaoğlu, Country Director ng World Bank… Continue reading Papel ng LGUs, mahalaga sa paglago ng human capital ayon sa World Bank