Higit P63-M halaga ng illegal drugs, nasamsam sa isang dayuhang pasahero sa NAIA terminal 3

Arestado ng mga opisyal ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa Ninoy Aquino International Airport NAIA ang isang Zambian national matapos mahulihan ng 9,276 gramo ng illegal na droga sa kanyang laggage. Sa impormasyon natanggap ng nga otoridad, ang nasabing pasaherong kinilalang si Beatrice Mulauzi, 34 ng Hybrid… Continue reading Higit P63-M halaga ng illegal drugs, nasamsam sa isang dayuhang pasahero sa NAIA terminal 3

House Speaker, dinipensahan ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap at kapos na Pilipino

Dumipensa si Speaker Martin Romuadez laban sa mga kritiko ng pamamahagi ng ayuda ng gobyerno. Sa kaniyang pangwakas na mensahe bago matapos ang sesyon, iginiit niya na hindi lang basta limos ang ipinapaabot na ayuda ng pamahalaan ngunit bahagi ng kanilang tungkulin na tiyaking walang Pilipino ang malulugmok pa lalo na sa panahon ng krisis.… Continue reading House Speaker, dinipensahan ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap at kapos na Pilipino

Isang taong suspensyon sa pagbabayad ng kontribusyon sa PhilHealth, aaralin ng Kamara

Isang malalimang imbestigasyon ang ikakasa ng Kamara sa susunod na taon kaugnay aa pammahala ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pondo nito. Sa kanyang talumpati bago mag-adjourn ang sesyon, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na layunin ng pagsisiyasat na humanap ng solusyon at hindi ang manisi. Kung mapatunayan sa imbestigasyon na underutilized o… Continue reading Isang taong suspensyon sa pagbabayad ng kontribusyon sa PhilHealth, aaralin ng Kamara

Higit 400 small business owners sa QC, tumanggap ng assistance sa pamahalaang lungsod

Pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng P5,000 Small Income Generating Assistance sa 410 small business owners sa lungsod. Ito ay sa ilalim ng programang Sikap at Galing Pangkabuhayan program kung saan nakatanggap ng P100,000 ang Villaverde Food Forest Farm at P62,000 naman ang para sa Gurl’s Power Salon. Layon nitong bigyan ng… Continue reading Higit 400 small business owners sa QC, tumanggap ng assistance sa pamahalaang lungsod

Bago City, nakapagtala ng ₱5.6-M na pinsala sa agrikultura dahil sa pagputok ng Mt. Kanlaon

Umabot na sa halos ₱5.6 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura na naitala ng Office of the City Agriculturist ng Bago City, Negros Occidental. Ito ay kasunod ng muling pagputok ng Bulkang Kanlaon noong nakaraang Lunes, December 9, 2024 Sa tala ng City Agriculturist, umabot sa 175 na magsasaka at 118.27 hektarya ng lupa… Continue reading Bago City, nakapagtala ng ₱5.6-M na pinsala sa agrikultura dahil sa pagputok ng Mt. Kanlaon

House Speaker, dinipensahan ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap at kapos na Pilipino

Dumipensa si Speaker Martin Romuadez laban sa mga kritiko ng pamamahagi ng ayuda ng gobyerno. Sa kaniyang pang wakas sa mensahe bago matapos ang sesyon iginiit ng Speaker na hindi lang basta limos ang ipinapaabot na ayuda ng pamahalaan ngunit bahagi ng kanilang tungkulin na tiyakin walang Pilipino ang malulugmok pa lalo na sa panahon… Continue reading House Speaker, dinipensahan ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap at kapos na Pilipino

Higit 14,000 indibidwal, nananatili sa evacuation centers bunsod ng epekto ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon

Malaki pa rin ang bilang ng evacuees sa Negros kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon. Sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot pa sa higit 4,000 pamilya ang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng pagputok ng bulkan. Katumbas pa ito ng 14,455 indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa… Continue reading Higit 14,000 indibidwal, nananatili sa evacuation centers bunsod ng epekto ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon

Malabon LGU, naglabas ng ilang paalala para sa ligtas na pagdiriwang ng Pasko

Isang linggo bago ang Pasko, nagpaalala si Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa bawat mamamayan na gawing ligtas at payapa ang pagdiriwang ng holiday season. Ayon sa alkalde, nakahanda man ang LGU na agarang rumesponde kung mayroong sakuna o emergency, mas mainam pa rin na mag-ingat at umiwas sa mga kapahamakan. Pinayuhan nito ang mga residente… Continue reading Malabon LGU, naglabas ng ilang paalala para sa ligtas na pagdiriwang ng Pasko

DA, nakikipag-usap na sa Pakistan at India para sa karagdagang alokasyon sa rice imports

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Agriculture (DA) sa Pakistan at India para sa posibilidad na mapalawak ang pag-susuplay nito ng bigas sa bansa. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nakipag-usap na ito sa Pakistani ambassador para isapinal ang Memorandum of Understanding kung saan hanggang isang milyong metriko tonelada ng bigas ang maaaring ilaan… Continue reading DA, nakikipag-usap na sa Pakistan at India para sa karagdagang alokasyon sa rice imports

BFAR, kinumpirma ang bangkay ng balyenang napadpad sa karagatan ng Bohol

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Central Visayas (BFAR-7) ang natagpuang bangkay ng isang Balyena sa karagatang malapit sa Banacon Island, Getafe, Bohol. Ayon sa BFAR, natagpuang palutang-lutang at wala nang buhay ang Sperm Whale na may kabuuang haba na 14.40 metro sa Banacon Island noong Lunes, December 16. Sa paunang imbestigasyon… Continue reading BFAR, kinumpirma ang bangkay ng balyenang napadpad sa karagatan ng Bohol