Renewal ng Business Permit sa Pasay City, pwede na ring gawin online

Puspusan na ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Pasay para sa mas mabilis at sistematikong pagproseso ng pagpapa-renew ng business permit na sisimulan mula sa November 2 hanggang January 20, 2025. Maliban sa onsite processing o personal na pagpunta sa mga opisina, inatasan ni Mayor Imelda Calixto Rubiano ang Business Permit and Licensing… Continue reading Renewal ng Business Permit sa Pasay City, pwede na ring gawin online

DSWD, nilinaw na di pork barrel ang programa ng AKAP at dumadaan sa masusing pagsusuri ang mga benepisyaryo nito

Iginiit ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na hindi pork barrel ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Ang pahayag ay tugon sa naunang komento ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ang programa ay katulad ng pork barrel at nasa kamay ng mga barangay… Continue reading DSWD, nilinaw na di pork barrel ang programa ng AKAP at dumadaan sa masusing pagsusuri ang mga benepisyaryo nito

Byahero sa PITX kagabi, daang-libo pa rin ayon sa pamunuan nito

Pumalo pa rin sa halos dalawandaang-libo o 196,000 mahigit ang bilang ng mga pasaherong dumagsa sa Paranaque Intigrated Terminal Exchange (PITX) kahapon, December 26, 2024, Huwebes. Ayon kay Jason Salvador, hepe ng PITX Corporate Affairs and Government Relations, daang-libo pa rin ang na-monitor nilang bilang ng mga pasahero sa kanilang terminal. Kaugnay nito, patuloy pa… Continue reading Byahero sa PITX kagabi, daang-libo pa rin ayon sa pamunuan nito

BuCor, binigyang halaga ang parte ng pamilya sa mga PDLs ngayong holiday season

Pinatunayan ng Bureau of Corrections na ang Pasko ay oras para sa pamilya. Ito kasi ang naging aktibidad ng BuCor nitong araw ng Pasko kung saan binigyang pagkakataon ng pamunuan nito ang mga PDLs na madalaw ng kanilang mga pamilya. Ito anila ay patunay ng pangako ng nasabing opisina na pagkalinga sa samahan ng isang… Continue reading BuCor, binigyang halaga ang parte ng pamilya sa mga PDLs ngayong holiday season

Happy ang New Year dahil sa nakaambang oil price rollback sa susunod na linggo

Maligayang bagong taon ang bubungad sa ating bayang motorista matapos ma-monitor ng Department of Energy-Oil Industry and Management Bureau (DOE-OIMB) ang pagbaba sa presyuhan ng lahat ng produktong petrolyo. Ayon kay DOE-OIMB Assistant Director Rodela Romero base sa kanilang 4-day oil trade monitoring, asahan na ang rollback sa: Gasoline – rollback of (₱0.30 to ₱0.65)Diesel… Continue reading Happy ang New Year dahil sa nakaambang oil price rollback sa susunod na linggo

Smooth Travel Experience, planong iparamdam ng CAAP ngayong bagong taon

Plano ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ulitin ang matagumpay na operasyon nito, nitong pasko sa darating na bagong taon. Ayon sa CAAP, matagumpay ang Christmas travel operations, kung saan tiniyak nila na makakaranas ang mga pasahero ng smooth at hassle-free na byahe habang nasa kasagsagan ng holiday season. Dahil dito, paliwanag… Continue reading Smooth Travel Experience, planong iparamdam ng CAAP ngayong bagong taon

NIA, inatasan na aralin kung paano pa mapapababa ang presyo ng bigas sa ilalim ng kanilang Rice Contract Farming Program

Photo courtesy of Rep. Stella Quimbo FB page

Hiniling ni Marikina Representative Stella Quimbo sa National Irrigation Administration (NIA) na magsagawa mga pag-aaral kung paano mapapalawig pa ang kanilang Contract Farming Program. Ani Quimbo, kung nagawa man ng NIA na makapagbenta ng bigas sa halagang ₱29 kada kilo sa ilalim ng programa, maaaring makamit pa rin ang target na ₱20 kada kilo kung… Continue reading NIA, inatasan na aralin kung paano pa mapapababa ang presyo ng bigas sa ilalim ng kanilang Rice Contract Farming Program

DSWD Bicol,nagbigay ng agarang tulong sa mga pamilyang apektado ng sunog sa Camarines Sur

Nagbigay ng agarang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region noong December 26 sa dalawang pamilya na apektado ng magkakahiwalay na insidente ng sunog sa Barangay Manzana, San Jose at Barangay Pinaglabanan, Goa, parehong nasa Camarines Sur. Ang mga sunog ay naganap noong December 24, araw ng… Continue reading DSWD Bicol,nagbigay ng agarang tulong sa mga pamilyang apektado ng sunog sa Camarines Sur

Gumuhong kalsada sa Bikal, Libmanan, Camsur, coordinated na sa mga ahensya ng gobyerno – MDRRMO Libmanan

Kaagad umanong nakipag-ugnayan ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Libmanan, Camarines Sur sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan matapos ang naitalang pagguho ng lupa sa bahagi ng Daang Maharlika sa Barangay Bikal, Libmanan, Camarines Sur. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Naga kay Jemuel Guerrero, Local Disaster Risk Reduction and Management… Continue reading Gumuhong kalsada sa Bikal, Libmanan, Camsur, coordinated na sa mga ahensya ng gobyerno – MDRRMO Libmanan

PHIVOLCS, nakapagtala ng 9 na rocketfall events sa Bulkan Mayon

Umabot sa 9 na rockfall events ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bulkang Mayon, ayon sa pinakahuling ulat ng ahensya ngayong araw, December 27. Sa kabila nito, nananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang estado ng Mayon at nakapagtala din ng mahinang banaag o crater glow sa bunganga ng bulkan,… Continue reading PHIVOLCS, nakapagtala ng 9 na rocketfall events sa Bulkan Mayon